ANG Philippine National Police (PNP) ay muli na namang sentro ng kontrobersya matapos na hilingin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos ang boluntaryong pagbibitiw ng mga police official mula sa may ranggong colonel hanggang general para sa pagsisimula ng mas pinaigting na internal cleansing sa police organization dahil sa isyu ng lumalalang “drug problem” sa bansa.
Nagbuo ng Five-Man Investigating Panel si Sec. Abalos para silipin ang posibleng pagkakasangkot ng mga nakapuwestong colonel at heneral na nakikisawsaw sa aktibidad ng sindikato ng droga. Ang matagal ng problema sa droga ay muli na namang tumindi dahil sa tinatawag na mga “ninja cops” at “scalawag” na nagsisilbing taga-gawa ng pera ng mga naka-puwestong opisyales ng pambansang kapulisan.
Partikular na target ng probe team ang mga regional at district commander ng PNP, bukod pa sa mga provincial director, ang mga opisyales ng Camp Crame-based Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at provincial head na nakatalaga sa ibat- ibang sulok ng bansa at iba pang unit na ang mandato ay manghuli ng mga kriminal at organized crimes.
Maraming PNP colonel at general ang nangangamba na baka sila’y hindi na makabalik sa puwesto, kapag sumunod sila sa hiling ni Sec. Abalos na voluntary resignation, subali’t tiniyak ng DILG Chief na mananatili sa puwesto kung wala naman silang kinalaman sa lumalalang operasyon ng drug syndicates dahil sa ibinibigay na protection ng ilang opisyales ng kapulisan.
Pero sa ganang atin,hindi sila dapat matakot na magbitiw sa posisyon kung alam nila sa sarili nila na wala silang kinalaman o pagkakasangkot sa kalakalan ng droga, tulad ni National Capital Region Office (NCRPO), Chief Maj. Gen. Ronnel Estomo na matapos na hilingin ni Sec. Abalos ang courtesy resignation ng mga colonel at heneral ay kaagad na nagpahayag ng kanyang pagreresign bilang commander ng NCRPO.
Role model si MGen Estomo, kaya agad ding nagsipag-sumite ng kanilang courtesy resignation ang kanyang mga key officer.
Pinangunahan ni PDG Rodolfo Azurin Jr. ang pagsusumite ng courtesy resignation bilang pagtalima sa kahilingan ni Sec. Abalos na may basbas din ng Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Habang nagpapakita sina PDG Azurin Jr. at MGen. Estomo ng kanilang suporta kay Sec. Abalos ay tila atubili naman ang ilang mga regional, provincial commander at police chief, ganon din ang mga CIDG official na bitawan ang kanilang mga puwesto.
Si Mgen. Estomo ay halimbawa ng isang lider na kailangan ngayon ng PNP na nasasadlak na naman sa kagipitan dahil sa ilang tiwaling opisyales na pumapatong sa iligal, tulad ng droga at illegal vices na prente din ng kalakalan ng illegal drug, sa ngalan ng tongpats.
DROGA SA AOR NI R4A DIRECTOR PBGEN. JOSE MELENCIO NARTATEZ JR.
KUMPARA sa ibang rehiyon, ang CALABARZON na binubuo ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon, ang maituturing na lungga ng operasyon ng shabu trafficking at lantarang illegal gambling operation na sinasabing kakambal ng drug dealing, kaya tiyak na mahigpit na makukuwestiyon ng Five-man Investigating team na binuo ni Sec. Abalos si BGen. Nartaez Jr. at ang lima nitong provincial director.
Ipinanawagan ng SIKRETA sa magiting na General Nartatez Jr. na importanteng supilin, lansagin, ipaaresto at kasuhan ang mga bigating operator ng mga sugalang prente ng drug trade. Ngunit kung di man nagtetengang kawali ang mabunying heneral ay posibleng naililigaw, naililihis sa katotohanan ng kanyang mga pinagkakatiwalaang opisyales tulad ng mga provincial director at intelligence officer, sa madaling salita ay “napapaikutan” nila si Gen. Nartatez Jr.?
Ngunit kahit yata araw-arawin ang pagpaparating ng hinaing ng mga mamamayan at ng anti-crime/vice crusader kay General Nartatez Jr. ay para bang wala itong naririnig, nakikita at nadarama? Manhid kaya si General?
Minsan pa ay iisa-isahin natin ang ilan lamang sa mga di mabilang na mga untouchable drug/gambling operator sa hurisdiksyon ni Gen. Nartatez Jr: Tanauan City ST con-jueteng maintainner: Ocampo-(Bagbag), alias Jr. Bikutso- (Poblacion), Dimapilis-(antay na Matanda), Lito- (Poblacion), Ms. Bagsic-(Trapiche), Gerry-(Balele), Cristy-(Suplang), Kon. Perez (-Poblacion), Kap Mario-(Pantay na Bata at Pantay na Matanda), Melchor at Ablao-(Darasa), Berania- (Trapiche), Cancio, Dama at Dexter- (Ulango), Rodel- (Sambat), Ms. Lilian-(Samba)t, Ms. Donna at Ms Anabel- (Trapiche at Sambat).
Nasugbu-Willy Bobok-STL bookies operator, Timmy-STl bookies (Mabini at San Pascual), Janog-pergalan (Putol,Tuy), Agnes-pergalan (Loyus, Tanauan City), Niki Bakla (Pagapas, Tanauan City), Glenda-pergalan (Pinagtong-olan, Lipa City), Jovel-peragalan (Mabini at Sampaguita, Lipa City) Venice-pergalan (Pansol, Padre Garcia at Bulihan, Rosario) at Rodalyn-pergalan (Pinagkawitan, Lipa City).
Padre Garcia: Tisoy at Nonit- (STL bookies at sakla Malvar Street, Poblacion), Ailyn at Tagoy ( sakla, General Mariano Alvarez, Cavite), Maricon (sakla- (Noveleta at Naic).
Sa Batangas at Cavite pa lamang ang mga ito, mantakin kung gaano pa karami ang mga ito kapag inisa-isa na din ang mga kailigalang naisiwalat noon pa sa Laguna, Rizal at Quezon, na di naman naaksyunan nina General Nartatez Jr. at ng kanyang mga provincial director?
Ipinarating din sa pamamagitan ng SIKRETA ang listahan ng intelhencia na kinokolekta ng mga “kapustahan” (tong kolektor) ng isang police official code-name RC na tumatanggap ng halos ay Php 2 milyon weekly sa mga STL bookies, sakla, pergalan at iba pang uri ng iligal partikular sa Laguna at Batangas, ngunit di ito ipinaaresto o kinastigo ni General? Sa maraming beses na pananawagan, ay maraming beses din na negatibo ang reaksyon ng heneral.
Masakit mang isipin, ngunit kapag nagsipag-sumite na ng kanilang courtesy resignation (iyon naman ay kung susundin ni General Nartatez Jr. at ng kanyang limang provincial director ang atas din ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr.) at nagsimula na ang selection process ng Five-Man Investigating Panel na binuo ni Sec. Abalos ay baka di na muli pang mare-appoint o makabalik sa kani-kanilang mga puwesto sina general at ang kanyang limang PD sa CALABARZON?
***
Para sa komento: sianing52@gmail.com/09664066144.
The post MGEN. JONNEL ESTOMO, KAILANGAN NG PNP! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: