SUSPINDIDO parin ang Lakbayaw (lakbay-sayaw) sa Pista ng Sto.NiƱo sa Maynila, ayon sa Manila Police District (MPD).
Tanging motorcade ng mga deboto lamang ang papayagan maisagawa para sa nasabing kapistahan .
Sinabi ni Lt. Colonel Harry Lorenzo, hepe ng Moriones Police Station na nakakasakop sa Sto. NiƱo de Tondo Parish, ang desisyon na huwag munang ituloy ang Lakbayaw ay base narin sa napag-usapan ng pulisya at ng pamunuan ng Sto. NiƱo Chuch.
Kaugnay sa nasabing selebrasyon, ilang kalsada ang kakailanganing isara sa motorista bago at sa mismong araw ng kapistahan.
Isang uri ng prusisyon ang Lakbayaw kungsaan ang imahe ng Sto. NiƱo ng mga deboto na may iba’t ibang kasuotan ang ipinaparada kasabay ng kasiyahan, sayawan at tugtugan.
Nakikiusap naman si MPD Chief, Brig. General Andre Dizon, sa publiko na makiisa sa mga patakarang ipapatupad o inilatag para sa kaligtasan ng lahat at kaayusan ng pagdiriwang .
Ang liquor ban, aniya, ay mahigpit ding ipatutupad depende sa magiging desisyon o anunsyo ng pamahalaang lokal kung ipagbabawal din ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa kapistahan gaya ng ipinai-ral sa Pista ng Itim na Na-zareno.(Jocelyn Domenden)
The post Lakbayaw sa Pista ng Sto. Nino sa Maynila suspindido parin appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: