SA pagmintis ni Japeth Aguilar ng three-point attempt sa pag-buzzer, tumindig si coach Brian Goorjian mula sa pagkakaluhod, itinaas ang dalawang kamao sa hangin at ikinulong si Myles Powell sa isang mahigpit na yakap.
Pinalakas ng nagbabalik na si Powell, pinuwersa ng Bay Area Dragons ang Barangay Ginebra Kings sa isang ‘matira ang matibay’ na giyera sa Game 7 matapos ieskapo ang 87-84 panalo sa gitna ng higit sa 22,000 fans sa Smart Araneta Coliseum Miyerkules.
Muling nakabalik mula sa injured list, naglaro si Powell na parang hindi nagmula sa isang layoff, na nagbigay ng maraming court smart, spark at firepower nang muling bumangon ang Dragons sa Kings, kaya’t naisubi ang 3-3 deadlock sa PBA Commissioner’s Cup best-of-seven title playoff.
May sapat pang pahinga sasabak ang Dragons sa isang walang-bukas na showdown sa Linggo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Si Powell, dating Philadelphia Sixer sa NBA, may matinding kamao aa ganitong klase ng pagtatapos na hostilidad nagsilbing maituturing na grandiyosong serye ng kampeonato.
Tinungkab ng 6-foot-1 hotshot ang 29 puntos sa loob ng 35 minutong aksyon mula sa bench at sa kanyang all-around activity, kung saan ginawa niyang makasabay ng ayuda ang kanyang katropa para sa astig na paglalaro.
Naiiskor niya ang lahat ng kanilang huling pitong puntos, kabilang ang dalawang split charity sa tikatik na mga segundo para sa 87-84. (Louis Pangilinan)
Iskor:
Bay Area 87 – Powell 29, Blankley 23, Yang 10, Zhu 10, Lam 9, Liu 4, Reid 2, Zheng 0.
Barangay Ginebra 84 – Brownlee 37, J. Aguilar 12, Standhardinger 12, Thompson 8, Pringle 8, Malonzo 4, Pinto 3, Gray 0, Tenorio 0.
The post Myles Powell, pinalakas ang pwersa ng Barangay Ginebra Kings appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: