LOCOS SUR – Patay ang 48 anyos na lalaki nang aksidenteng mabaril ang sarili sa Sitio Tagaytay, Brgy. Lingsat, Bantay, Ilocos Sur nitong Martes ng gabi, Enero 10.
Kinialala ng Bantay Municipal Police Station ang biktima na si Agapito Pula Jr. y Viernes, may asawa, residente ng naturang lugar.
Nabatid na isang tawag mula sa cellphone ang natanggap ng Bantay MPS mula sa Metro Vigan Hospital tungkol sa isinugod sa naturang ospital na biktima ng shooting incident.
Agad naman rumesponde ang mga otoridad at base sa pakikipag-usap nila kay Jay-ar Pula y Reyes, anak ng biktima, nabatid na nakainom ng alak na umuwi sa kanilang bahay ang kanyang taytay at nakita nitong kinuha ang baril na ginagamit sa pagha-hunting ng ibon na nakatago sa kanilang bahay.
Nasa loob umano ng kwarto si Jay-ar nang makarinig ng putok kaya agad siyang lumabas at nakita na lang ang amang nakahandusay sa sahig.
Agad na humingi ng tulong si Jay-ar para madala sa ospital ang kanyang tatay.
Idineklarang dead-on-arrival ang biktima ng umatending doktor.
The post Lalaki patay sa sariling baril appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: