Facebook

MAFIA SA CITY HALL NG PARAÑAQUE

Matindi ang tinaguriang “Kuwadro De Alas” diyan sa Paranaque City Hall na binubuo ng apat na most trusted men ni Paranaque City Mayor Eric Olivarez.

Napakarami nilang raket sa loob ng city hall na talaga namang nagsisilbing balon ng grasya na direktang inuumit mula sa kabang siyudad ng nasabing local government unit.

Ang nakakapagtaka nga lamang dito ay kung bakit nakakalusot sa COA ang mga katarantaduhang ito.

For today’s issue,unahin nating talakayin ang tungkol sa multi- milyong pisong newspaper ads na binayaran ng Paranaque LGU nitong nakalipas na taong 2022.

Again,may photo copies po tayo ng mga tsekeng inisyu ng Paranaque City Hall para sa payments sa mga kuwestiyonableng newspapers ads na ito gamit ang tseke ng Land Bank Sucat branch.

Mga tabloid po ito na walang general circulation.

Meaning,hao shiao na pahayagan na ang pangunahing intensyon ay makasingil ng malaki sa mga inilalabas nilang news and photo stories pabor kay Mayor Eric Olivarez.

Since legal ang naging bayaran,we assumed na legal din ang rason ng publikasyon at prosesong dinaanan nito at may kontrata sa mga pribadong publishers na naglabas ng mga nasabing publications.

Nagkakahalaga po ng 20- mil ang singil sa kada pahina ng mga PR photos and articles ni Mayor Eric Olivarez.

Dahil tseke nga po ng city government of Paranaque ang ginamit sa pagbabayad sa mga peryodikong ito,we also assumed na kumpleto ang paper trail ng nasabing mga transaksyon na dumaan sa iba’t ibang tanggapan ng Paranaque LGU and ofcourse sa opisina ni City Treasurer Anthony Pulmano.

Hindi naman po ito basta pipirmahan at ire-released ng mabunying Tresurero Pulmano kundi ito dumaan sa tama at legal na proseso at inendorso ng mga opisyal ng opisinang dinaanan ng “billings” ng mga pahayagang tinuruan.

Sa makatuwid,may mga dokumento pong available para pagbasehan ng COA sa pagbusisi sa kuwestiyonableng mga transaksyones na para po sa inyong lingkod ay highly disadvantageous sa city government at sa mga mamamayan ng Paranaque since pagpapabango lamang po ito sa image ng nakaupong alkalde.

Since mga government officials po ang ating tinutukoy na sabit sa maanomalyang transaksyones na ito ng milyong pisong pondo ng Paranaque ang involved,naturalmente ay ang Ombudsman ang proper forum na dapat mag- imbestiga sa kaso.

Kung bakit COA ang dapat sisihin ay dahil responsibilidad nila itong ma- monitor at mabatid.

Unless kasama sila sa sindikato ng Kuwadro De Alas at namamantikaan sa katarantaduhang ito.

May 5 to 10 percent umanong hinihinging komisyon ang Kuwadro De Alas mula sa mga publishers na mày singilin sa City Hall ng Paranaque.

Di pa kasama diyan ang sa iba pang private contractors na may sinisingil din sa Paranaque City Hall.

Unang sigwada pa lamang ito ng ating serye ng pagsisiwalat sa mga katarantaduhang nakakapangyari diyan sa nasabing LGU.

Wait for more!

Antabayanan din po natin ang isang patriotic Paranaque resident na magsasampa ng pormal na reklamo sa Ombudsman patungkol dito.

Again,umpisa pa lamang po ito ng ating krusada laban sa mga taong sumasalaula hindi lamang sa sagradong imahe ng lungsod kundi sumasabotahe sa malinis na pangalan ng pamilya Olivarez na walang sawang nagsisikap na makapaghandog ng wagas at tapat na serbisyo-publiko sa mamamayan ng lungsod.

May kasunod!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post MAFIA SA CITY HALL NG PARAÑAQUE appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAFIA SA CITY HALL NG PARAÑAQUE MAFIA SA CITY HALL NG PARAÑAQUE Reviewed by misfitgympal on Enero 20, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.