Facebook

MAKATAONG SERBISYO NG MARIKINA CITY GOVERNMENT

Sa mahabang panahong ipinaghirap ng halos buong bansa dulot ng COVID-19 PANDEMIC na ikinaparalisa sa kabuhayan ng mga pangkaraniwang mamamayan ay pinagaan ng MARIKINA CITY GOVERNMENT ang paniningil ng mga kaukulang buwis sa lahat nilang mga nasasakupan.

Sa pangangasiwa ni MARIKINA CITY MAYOR MARCY TEODORO katuwang ang kanilang CITY COUNCILS ay pinagaan at pinalawig ang pagbabayad ng buwis bilang pag-agapay sa lahat ng mga pagnenegosyo at sa mga bayaring pang-ari-arian ng mga MARIKENYO.

Sa aspeto ng mga pagnenegosyo ay nilagdaan ni MAYOR MARCY ang Ordinance No. 001, Series of 2023 o ang ORDINANCE EXTENDING THE PERIOD FOR THE RENEWAL OF BUSINESS PERMITS WITHOUT SURCHARGES AND PENALTIES upang pahabain pa ang deadline ng BUSINESS PERMIT RENEWAL mula ENERO 20, 2023 hanggang MARSO 31, 2023.

Layunin ng EXTENSION o pagpapalawig sa araw ng huling pagbabayad ay upang hindi na
magmulta pa ang mga negosyanteng magpoproseso ng kanilang renewal.., para magkaroon sila ng mas mahabang panahon at hindi mamultahan hanggang Marso.., ika nga WALANG MULTA ANG RENEWAL NG BUSINESS PERMIT HANGGANG MARSO 31, 2023 para sa MARIKINA CITY.

Karagdagan nito ay pinalawig din ang AMNESTY para sa BUSINESS TAX at REAL PROPERTY TAX sa pamamagitan ng ORDINANCE No. 006 Series of 2023 o ang ORDINANCE GRANTING AMNESTY ON SURCHARGES AND INTERESTS OF DELINQUENT BUSINESS TAXPAYERS IN THE CITY OF MARIKINA UNTIL MARCH 31, 2023.., at ang ORDINANCE No. 007 Series of 2023 o ang ORDINANCE EXTENDING THE GRANT OF AMNESTY ON INTERESTS OF DELINQUENT REAL PROPERTY TAXPAYERS IN THE CITY OF MARIKINA UNTIL MARCH 31, 2023.

Batid ni MAYOR MARCY ang hirap sa pinagdaanang krisis ng mga malilit na naghahanapbuhay at namumuhunan; maging ang mga pamilya at indibidwal.., kaya naman sila ay binibigyan ng 100% RELIEF O AMNESTY SA MGA HINDI PA NABABAYARANG MULTA SA BUWIS SA NEGOSYO (Business Tax) at MULTA SA AMILYAR (Real Property Tax o RPT).

“Dapat silang bigyan ng pagkakataon na makapagbayad nang walang surcharge at interest, multa o penalty. Yung principal amount na lang ang babayaran para makabawas sa bigat ng alalahanin nila, para makabangon ang lahat,” pagpapahayag ni MAYOR MARCY.

Mga ka-ARYA.., ang sistemang yan ni MARIKINA CITY MAYOR MARCY katuwang ang kanilang CITY COUNCILS ay indikasyon ng kanilang sinserong pagseserbisyo para asistehan ang kabuhayan at kapakanan ng lahat nil g nasasakupan at siyempre pa ay bahagi ito sa pagpapaunlad sa kanilang ekonomiya.., ika nga, ANG MARIKINA CITY GOVERNMENT AY MAY PAGMAMALASAKIT SA KAPUWA!

***

Teka.., bakit ang bansa natin ay nakapiit pa rin sa PANDEMIC THREATS gayong napakaramng bansa ang kumawala na sa INVENTED COVID PROTOCOLS?

Panay pa rin ang kampanya ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) na kailangang magpa-COVID VACCINATION at magpa-BOOSTER lalo na ang mga may taglay na sakit.., wow, kung sakali nga namang mamatay e hindi isisisi sa bakuna kundi sa taglay na sakit ang ikinamatay… hehehe mga panlilinlang sa larangan ng siyensiya gayung EXPERIMENTATION pa lamang ang lahat ng mga naimbentong COVID VAX

Ipinagpilitan man ng DOH na ang lahat ay kailangang magpa-COVID VAX ay marami rin ang hindi nagpabakuna at isa na ako sa hindi nagpabakuna at salamat sa PANGINOONG DIYOS dahil siya ang nagbigay proteksiyon sa aking kalusugan.., kumpara sa maraming nahintakutan sa polisiya ng mga GOVERNMENT OFFICIAL at tumalima sa pagpapabakuna sa halip na magtiwala sa DIYOS; resulta.., namiligro ang mga buhay, naparalisa ang katawan at marami rin ang namatay dahil sa bakunang ipinaggitgitan ng gobyerno.

EXPERIMENTATION pa lamang ang mga COVID VAX pero walang inilalabas na balanseng datus.., walang iniuulat na na-stroke matapos mabakunahan at walang iniuulat na mga namatay matapos mabakunahan gayong napakaramng mga namatay sa COVID VAX EFFECT.., lohika sa sistema ng PANDEMYA ay PINAGKAPERAHAN ANG SAMBAYANAN.. LIBRE ANG PAGPAPABAKUNA SUBALIT ANG MGA PAMBAKUNA AY BINILI NG GOVERNMENT GAMIT ANG PONDO NG SAMBAYANAN!

***

GREETINGS sa isa nating ka-ARYA na tumanda na sa kinalulugaran ng kaniyang bahay ay PINAPANDEMYA naman ng mga kawani ng PROVINCIAL ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES OFFICE (PENRO) sa WAWA DAM, MONTALBAN, RIZAL sa akusasyong ilegal na pagpapatayo ng bahay.., naku e bakit iilan lang silang inakusahan gayong napakaramng kabahayan o baka may taga-PENRO ang naiinggit sa kanila?

Anyway.., ang mahigit 5-dekada nang residente sa WAWA DAM na si DANIEL SOLANA ay binabati natin ng HAPPY BIRTHDAY bukas January 24, 2023.., musta na sa buong pamilya mo ka-ARYA!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.

The post MAKATAONG SERBISYO NG MARIKINA CITY GOVERNMENT appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAKATAONG SERBISYO NG MARIKINA CITY GOVERNMENT MAKATAONG SERBISYO NG MARIKINA CITY GOVERNMENT Reviewed by misfitgympal on Enero 21, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.