Facebook

Malayo malapit parehas ang pamasahe-panawagan para sa LTFRB at LTO

May pinarating na impormasyon sa Usapang HAUZ ang ilang mananakay na mga residente dyan sa Lalawigan ng Rizal partikular sa bayan ng Binangonan at Antipolo dahil sa hindi maipaliwanag na sistema sa paniningil ng pamasahe.

Para maintindihang maige ng Usapang HAUZ kung ano ang reklamo ng hindi lang iilan kundi libo libong commuters sa mga alituntuning pinaiiral ng mga transport group sa Eastern Part ng Metro Manila kung saan ang mga ito ay nag te-terminal patungong Rizal Province.

Personal na tinungo ng Usapang Hauz ang isa sa sinasabing terminal na nag iimplementa ng “Malayo Malapit” same ang pamasahe ito ay sa SM Mega Mall sa Edsa at ang pangalan po ng Transport Group ay Bitaco na ang ibig sabihin ay Binangonan Transport Company na ang kanilang gamit na pampasahero ay mini bus.

Dito na nalaman ng Usapang HAUZ na tutuo ang reklamo ng mga mananakay dahil ng maningil na ang dispatcher na isang babae ay isang pasahero ang nagbayad ng P50 at sinabing Rosario Pasig ito bababa ang sabi ba naman ay kulang po ng 10 malapit malayo P60 ang pamasahe.

May pahabol pa ang lady dispatcher na hindi lang ang kanilang transport association ang naniningil ng malayo malapit maging ang mga passenger jeepney na naka-terminal sa Edsa Crossing na may biyaheng Antipolo, Tanay, Binangonan at Morong maging ang mga UV Express parehas ang estilo saan kaya nila nakuha ang ganitong implementasyon ng fare matrix.

Kaya ang paki-usap ng mga commuters sana makarating sa kinauukulan ang kanilang hinaing kasi hindi lang sa lalawigan ng Rizal kundi Luzon wide transport group na ang nagiimplementa ng paniningil, Malayo Malapit parehas na pamasahe.

Nais ng Usapang HAUZ na mabatid ng Sambayanan kung may Alituntunin bang ipinalabas ang pamunuan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa pamumuno ni Chairman Atty. Teofilo Guadiz III sa ginagawang maling paniningil ng mga transport group.

Sa parte naman ng Land Transportation Office (LTO) lalong lalo na ang Action Man LTO Chief Assistant Sec. Jose Arturo “Jay Art Tugade, alam ng Usapang HAUZ na hindi mo ito kukunsintihin at agad mo itong gagawan ng aksiyon dahil kapakanan ng mahihirap na mananakay ang nakasalalay dito.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 09352916036

The post Malayo malapit parehas ang pamasahe-panawagan para sa LTFRB at LTO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Malayo malapit parehas ang pamasahe-panawagan para sa LTFRB at LTO Malayo malapit parehas ang pamasahe-panawagan para sa LTFRB at LTO Reviewed by misfitgympal on Enero 04, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.