Panawagan ng DILG sa mga full pledge Col. at General, na magsumite ng courtesy resignation, suportado ni NCRPO Gen. Estomo
Suportado ng National Capital Region Police Office NCRPO ang panawagan ni DILG Secretary Benjur Abalos na magsumite ng courtesy resignation ang lahat ng full pledge col. at general.
Sa isang press conference, sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City sinabi NCRPO Chief PMGen. Jonnel Estomo, na nakahanda siyang magsumite ng courtesy resignation bilang suporta sa panawagan ni Se. Abalos.
Suportado din ng mga district director ang desisyon ni General Estomo kung saan nakahanda din silang mag-submit ng resignation upang patunayan na malinis sila sa usapin ng illegal drugs.
Ang panawagan ni Abalos ay bahagi ng paglilinis sa hanay ng PNP kung saan may mga listahan umano sila ng mga pangalan ng general at col. na sangkot sa kalakalan sa iligal na droga.
Kumpiyansa naman si Estomo na malinis ang kanyang mga tauhan laban sa usapin ng illegal drugs.
Paglilinaw pa ni General Estomo hindi naman sapilitan sa mga PNP official na magsumite ng courtesy resignation subalit bilang patunay na nilalabanan nila ang illegal drugs handa nilang gawin at sundin ang panawagan ni Secretary Abalos.
Naniniwala si General Estomo na ito anya ang tamang paraan ni Secretary Abalos para mailinis ang emahe ng PNP laban sa illegal na droga. (CESAR MORALES)
The post Panawagan ng DILG sa mga full pledge Col. at General, na magsumite ng courtesy resignation, suportado ni NCRPO Gen. Estomo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: