Lahat ng pagtitipon lalo na sa aktibidad ng mga GOVERNMENT OFFICIALS ay laging PRAYER ang pambungad bilang paghingi ng patnubay sa DIYOS na mapabuti ang pagganap sa kanikanilang mga tungkulin subalit marami pa rin sa mga ito ang nagpapanggap na mga SANTO.., dahil namamayagpag pa rin ang CORRUPTION sa lipunan.
PRAYER ang pambungad sa iba’t ibang program subalit namamayagpag pa rin ang ILLEGAL DRUGS.., dahil ang mga DRUG LORD ay nagkukunwaring mga banal na may paluhod-luhod pa at pahalik-halik sa kamay ng PARI kasunod ang pag-aabuloy ng limpak na salapi.
Tulad bukas (January 9, 2023) araw ng kapistahan ng ITIM NA NASARENO sa QUIAPO para sa mga CATHOLIC na marami ang mga taga-ibang lugar ang dumadayo at nagdarasal sa paghingi ng kapatawaran sa kanikanilang mga pagkakasala at mapagkalooban pa sila ng magandang kapalaran.
Pagkatapos ng okasyon.., wala ring pagbabago dahil umiiral pa rin ang CORRUPTIONS ng mga GOVERNMENT OFFICIAL na pawang NAGSISIPAGBALATKAYO BILANG MGA SANTO.
Tuwing araw ng Lunes, bago magsimula sa pagtatrabaho ang mga KAWANI sa GOBYERNO ay PRAYER ang kanilang pambungad bago ang pag-awit ng PAMBANSANG AWIT sa harap ng BANDILA ng ating bansa.., na ang layon ng isinasagawang PRAYER ay upang maging MAKA-DIYOS ang paggawa ng bawat Isa.., gayunman ay kahalubilo pa rin ang SATANIC WORKS.
Kung ang mga nagdarasal ay isinasapuso at dinadama ang bawat salitang kanilang idinadasal ay siguradong wala na ang ILLEGAL DRUGS at CORRUPTIONS sa lipunan.., subalit ang pagdarasal ay tila rituwal na lamang.
Anuman ang gawing estratehiya ng GOVERNMENT OFFICIALS tulad ng inilunsad ng DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) na “COURTESY RESIGNATIONS” ng mga HIGH RANKING POLICE OFFICIALS” na bahagi ng “CLEANSING” laban sa mga katiwalian at sa ILLEGAL DRUGS ay mistulang ampaw lamang dahil mamamayani pa rin ang SATANIC WAYS.
Iba-iba man ang RELIGION na kinabibilangan ng bawat Isa ay sa DIYOS dumadalangin ang mga ito.. subalit ang ginagawang PRAYER ay tila epekto ng minimoryang dasal para sa pagbigkas na lamang na hindi isinasapuso ang mga salitang nilalaman sa PRAYER.
Kung ang PRAYER ay busilak sa puso ng mga GOVERNMENT OFFICIAL at maging sa JUDICIAL SECTOR na bago magpasimula sa COURT HEARINGS ay laging PRAYER muna ang isinasagawa na kung taimtin sana ay payapa at walang lisyang panunungkulan.., ika nga, ang mga matataas nating lider ang manguna sa pagiging MAKA-DIYOS na paggawa at huwag iiral ang pagiging MAPAGPANGGAP NA MGA SANTO!
***
WAR ON DRUGS NI SILG ABALOS SUPORTADO NG BJMP…
Suportado ng BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY (BJMP) ang kampanyang WAR ON DRUGS na inilunsad ni SECRETARY OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) BENJAMIN “BENHUR” ABALOS JR.
Inihayag ni BJMP CHIEF JAIL DIRECTOR ALLAN IRAL na ang kanilang ahensiya ay patuloy ang pakikipagkoordinasyon sa PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA), PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP), LOCAL GOVERNMENT UNITS at ANTI-DRUG ADVOCATES para sa pagpapaigting ng kampanya laban sa illegal drugs.
“Maka-aasa po kayo na patuloy ang pagsisikap ng BJMP na linisin ang aming mga pasilidad mula sa anumang uri ng ipinagbabawal na droga, Mahigpit ding ipinatutupad ang aming mga polisiya ukol dito, at mga alituntuning dumidisiplina sa mga kawaning mapapatunayang lalabag sa mga ito,” pahayag ni BJMP CHIEF IRAL.
Maliban sa regular at joint greyhound operations sa mga JAIL UNIT, ang BJMP ay nagsasagawa ng RANDOM DRUG TESTING sa kanilang mga personnel at sa mga preso o ang PERSONS DEPRIVED OF LIBERTY (PDL) sa lahat nilang 478 BJMP MANNED FACILITIES sa buong bansa.
“Para sa mga kasamahan namin sa propesyon na malilihis ng landas, please bear in mind that there’s no room for errant jail officers in the BJMP,” paggigiit ni BJMP CHIEF IRAL.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.
The post MAPAGPANGGAP NA MGA SANTO! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: