HIGIT 50 Disco KTV Bar kabiling na ang mga Gay Bar ang matatagpuan sa kahabaan ng Quirino Avenue, Airport Road, Roxas Blvd. sa Pasay City at Parañaque City ang napaulat na lantarang nagpapalabas ng malalaswang panoorin partikular na ang panandaliang aliw o “quickie sex” sa loob ng mga VIP room.
Sa impormasyong nakalap ng pahayagang ito, kabilang sa mga nagpapalabas ng malalaswang panoorin ay ang mga bahay aliwan na WHITE BIRD, DYNASTY, APOLLO, APEIRO, THE BAY ENTERTAINMENT KTV, STUDIO 2, 798 KTV, JERO, ALICE ANGEL KTV BAR, BOOM BAR KTV at iba pa na ilang metro lamang ang layo sa Redemptorist Church sa Baclaran.
Ayon sa sumbong, pawang mga menor-de-edad ang mga nagsasayaw ng walang saplot ang katawan ganon din ang mga macho dancers kaya dinadayo ng mga banyaga ang mga nabanggit na bahay aliwan dahil pagsapit ng dilim ay nagsisimula na ang hubaran at kababuyan.
Sinabi ng source na binalewala ng mga may-ari ng mga nabanggit na establisimyento ang city ordinance ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano at Parañaque City Mayor Eric Olivarez na nagbabawal na magpalabas ng malalaswang panoorin.
Ayon pa sa mapagkakatiwalaang source, isang nagngangalang alyas Arbie ang nagre-recruit ng mga batam-batang babae mula sa probinsiya saka dinadala sa nabanggit na lugar upang magsagawa ng mga malalaswang panoorin at magbenta ng sariwang laman.
Ipinagmamalaki raw ni alyas Arbie na malakas ang kanyang kapit sa mga opisyal ng kapulisan ng SPD, CIDG, at NBI maging sa mga alkalde ng lungsod kaya madaling naisasagawa ang kanilang modus operandi.
Halos nakagapos ang mga kamay ng mga tauhan ng NBI, CIDG, at SPD na sugpuin ang prostitusyon at malalaswang panoorin sa mga bahay-aliwan sa mga nabanggit na lungsod partikular na ang ilang videoke bar na dinarayo ng mga turistang Kano.
Ayon pa sa source, sumusuka diumano ng P50,000 kada buwan ang mga nabanggit na bahay-aliwan para lamang ipamudmod sa mga tiwaling opisyal ng PNP at NBI upang hindi maistorbo ang lantarang negosyong putahan (prostitution).
Nabatid din sa source na ginagawang pot session ng mga dayuhan ang mga VIP room na nangangamoy semilya o zonrox dahil sa hayagan diumano na “quickie sex” kung saan pinapayagan naman ng mga may-ari ng bahay aliwan dahil sa malaking halaga ang kapalit.
Idinagdag din ng source na ang bahay aliwan na JERO at ALICE ANGEL KTV BAR na matatagpuan sa kahabaan ng Airport Road ay naka jumper ang kuryente na minsan na umanong nagliyab dahil sa overload.
Subaybayan natin!
***
Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:30am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.
The post Bold show at Quickie Sex laganap sa Pasay at Parañaque? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: