NABULABOG ang mga pasahero at ilang airport personnel nang mapagkamalang ‘bomba’ ang naiwanang bag sa pagitan ng Bay 8 at Bay 9 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 kung saan ang laman pala nito ay ‘cash money’ na nagkakahalaga umano ng mahigit P1.4 milyong piso na sinasabing pag-aari ng isang Alkalde sa lalawigan ng Basilan.
Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap noong miyerkules, alas-3:06 ng hapon sa may arrival area ng nasabing paliparan.
Isang guwardiya na nakatalaga doon ang nakapuna ng isang itim na ‘unattended bag’ sa pagitan ng Bay 8 at Bay 9 na nasa tapat ng domestic terminal dahilan upang ipaalam nito sa kanilang Terminal Manager ang naturang sitwasyon.
Agad na ipinaalam nila sa PNP-Aviation Security Group (ASG) at Airport POlice Department (APD) ang hinggil sa kahinahinalang naiwan na bag.
Sa tulong ng Bomb Explosive Unit ng PNP ay nagpadala ito ng sniffing dog sa nasabing lugar at ng magnegatibo ang resulta ay dito natuklasan ang bulto-bultong salapi na umabot lahat sa halagang P1,427,760.00 nasa loob nito na sa kalaunan ay nalaman na pag-aari umano ito ni Maluso, Basilan Mayor Hanie A. Bud.
Sinubukan ng mga pulis na makipag-ugnayan kay Bud sa pamamagitan ng social media (FB) upang ipaalam sa kanya ang naiwanang bag matapos na dumating sa airport galing Zamboanga.
Nasa loob din ng bag ang ilang personal na gamit ng alkalde tulad ng Macbook Air, wallet, ilang IDs, passport, assorted ATMs, check book at ilang Malaysian money.
Ang nasabing ‘personal belongings’ ni Bud ay pansamantalang dinala sa Lost and Found Section ng terminal 2 . (JOJO SADIWA/JERRY TAN)
The post P1.4-MILYON CASH MONEY NG MAYOR SA BASILAN, NAIWANAN SA NAIA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: