Facebook

PINOYS ARE THE HAPPIEST PEOPLE IN THE WORLD

Happy New Year po sa ating lahat!

Pambungad o buena-mano nating artikulo para sa taong ito 2023, Year of the Water Rabbit ay ofcourse, isang good vibes na balita.

Patungkol ito sa naging year- end survey ng Gallup International Association (GIA) na nagsasabing tayong mga Pinoy ang pinaka- masayahing tao sa buong mundo.

Sa pinakahuling survey na isinagawa ng GIA covering 34 countries,nakakuha ng 75 percent rating ang Pilipinas at ang mga Filipino bilang pinakamasayang lahi sa buong mundo.

Pumangalawa sa atin ang bansang Mexico,sinundan ng Malaysia, Afghanistan at Ecuador para buuin ang top 5 na mga bansa.

A high 39 percent naman ng mga Pinoy sa pagiging hopeful at optimistic na nagsasabing ang taong 2023 ay magiging mas mabuti at masagana kumpara sa nagdaang taong 2022.

The Philippines landed in 5th place sa mga bansang nagsasabing mas malaki ang pag-asang kanilang kinakaharap sa taong ito.

Ang Nigeria at Pakistan naman ang top 2 hopeful countries batay sa survey ng GIA.

Sa kabila ng pandaigdigang krisis dulot ng Covid- 19 pandemic, nananatiling optimistiko ang buong mundo sa pagpasok ng Bagong Taon.

Kapansin- pansin lamang ay kung sino pa ang mga bansang nabibilang sa tinaguriang Third World countries,ito pa ang nangunguna sa pinakamasayahin at optimistikong mga nilalang.

Ang mga Super Power nations gaya ng America,Russia,China at European nations ay wala o malayo sa surveys na ginawa ng Gallup.

Indikasyon ba ito na sadyang ang mga mayayamang bansang ating tinukoy ay walang keber sa kapalaran ng kanilang mga kapwa tao?

Na dominado nito ang kapalaran ng kanilang mamamayan dahil kontrolado ng mga Super Powers na ito ang mundo at sila ang nagdidikta ng kapalaran ng sanglibutan?

Kung ating lilimiing mabuti, isa itong nagdudumilat na katotohanan.

Sa isang pindot lamang Kasi ng “push button” ng America, China o Russia o ng North Korea, lusaw na kapagdaka ang sanglibutan.

Burado na ang human race.

Di natin batid kung anong klaseng depensa ang inihanda ng mga Super Powers na ito para sa kanilang mga mamamayan.

Ang tiyak at kumpirmado,ang mga mamamayan ng Third World countries kung saan tayo ay nabibilang ay totally defenseless.

Sa sitwasyong ganire, ano pa nga ba ang puwedeng gawin ng sangkatauhan kundi ang magdasal at ihanda ang kanilang mga sarili?

Dito pumapasok ang relihiyon at ang ating ugnayan sa Panginoon.

At ang mga Pinoy ay malaon nang handa para dito.

Sabi nga, hindi na payamanan ng buhay ngayon kundi pasayahan at kung paano mo ginugugol ang panahon mo sa piling ng iyong mga mahal sa buhay.

Kung paano mo itrato ang iyong kapwa ayon sa kautusang ng Dakilang Lumikha.

Isang eye- opener para sa atin ang lumabas na survey ng Gallup International patungkol sa pagiging masayahin nating mga Pilipino.

Indikasyon ito ng ating kahandaan sa pagdatal ng paghuhukom.

And being a Christian country for centuries now, namulat na tayo sa katotohanan na ang wakas ay di kinakatakutan kundi bagkus ay dapat paghandaan!

“Live life to the fullest”, ika nga!

Continue to be a blessing to your family,love ones and to everybody.

For tomorrow is never promised!

Mahalagang paalala lamang po para sa ating lahat.

Happy New Year!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com??

The post PINOYS ARE THE HAPPIEST PEOPLE IN THE WORLD appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PINOYS ARE THE HAPPIEST PEOPLE IN THE WORLD PINOYS ARE THE HAPPIEST PEOPLE IN THE WORLD Reviewed by misfitgympal on Enero 01, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.