Facebook

DAGDAG NA BADYET SA HEALTH PROGRAMS, NAISWAK NI BONG GO

Umaasa si Senator Christopher “Bong” Go na mas lalakas pa ang public health care system sa bansa matapos niyang matagumpay na naisulong ang karagdagang pondo para sa iba’t ibang health initiatives sa 2023, partikular na ang para sa mahihirap na pasyente.

Kaugnay nito, pinuri ni Go si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglagda sa 2023 national budget law.

Nagpasalamat din siya sa mga kapwa mambabatas at sa mga opisyal ng kinauukulang departamento at ahensya na naglaan ng mahabang oras sa proseso ng badyet.

“Ang badyet na ito ay napakahalaga at kritikal dahil unti-unti nating ginagawa ang ating inclusive recovery mula sa COVID-19 pandemic,” ani Go.

“Dahil sa mga alokasyon at mandato na ito, nararapat na tiyakin ng lahat na walang Pilipinong maiiwan sa pagbangon natin mula sa pandaigdigang krisis sa kalusugan bilang isang nagkakaisang mamamayan,” dagdag niya.

Kabilang sa mga programang pangkalusugan na matagumpay na naitulak ni Go ay kinabibilangan ng karagdagang pondo para sa tulong medikal para sa mga mahihirap na pasyente; pagtatayo ng mga Super Health Center at mga specialty center; Cancer Assistance Fund; pagkuha ng mga immunization vaccinators upang palakasin ang programa sa pagbabakuna sa iba pang sakit, lalo na para sa ating mga anak; pagpopondo sa Philippine Health Insurance Corporation para sa pinalawak na libreng dialysis coverage, mental health outpatient coverage, komprehensibong outpatient benefit package kabilang ang libreng medical check-up at iba pang pagpapahusay sa benefit package; at mga programa sa kalusugan ng isip.

“Nakita ko kung gaano kahirap ang mga kababayan natin. Minsan po isang kama, dalawang pasyente (naghahati) tapos nasa corridor lang. Iyan po ang katotohanan dito sa Pilipinas. Kaya the more we should invest sa ating health care system,” ayon kay Go.

“Hindi rin natin alam kung ito na ba ang huling pandemyang darating sa buhay natin kaya dapat maging mas laging handa tayo sa anumang krisis pangkalusugan na maaari nating harapin,” iginiit niya.

Matagumpay din niyang naiapela ang karagdagang alokasyon para sa Health Facilities Enhancement Program para sa pag-upgrade ng iba’t ibang pasilidad ng kalusugan, gayundin ang Public Health Emergency Benefits and Allowances para sa Health Care at Non-Health Care Workers.

“Nagpapasalamat po ako sa mga kasamahan ko sa Senado na sinuportahan po ang karagdagang pondo para sa Cancer Assistance Fund sa Senate Committee Report. Napakalaking tulong po nito,” ani Go.

“Kadalasan po napakagastos ng isang cancer treatment at ito pong sakit na matagal na ito na kailangan ng suporta ng mga pasyente. So, natutuwa po ako na naaprubahan at hindi po ako titigil kung ano po ang makatutulong para mapalakas pa ang ating healthcare system,” dagdag niya.

Sa pamamagitan ng pagtulong sa mga Pilipinong pasyente ng kanser at sa kanilang pamilya na magbayad sa pagpapagamot at mga bahaging nauugnay sa pangangalaga nito, tulad ng kinakailangang diagnostic at laboratoryo para sa walong uri ng kanser na natukoy bilang mga prayoridad, layunin ng CAF na mabawasan ang kanilang pasanin.

Sinabi ng Department of Health na ang CAF ay naglalayong dagdagan ang mga umiiral na mekanismo ng suportang pinansyal para sa iba’t ibang mga serbisyo sa pangangalaga at pagkontrol sa kanser.

Samantala, nangako si Go na patuloy na isusulong ang pagtatayo ng mas maraming Super Health Centers sa buong bansa sa layuning mapabuti ang healthcare access ng mga Pilipino, lalo na sa mga rural na lugar.

“Nasa strategic areas po siya nakalagay para hindi na po nila kailangan bumiyahe sa siyudad kapag may emergency cases. Meron na po silang sariling rural health care station,” paliwanag ni Go.

Ang Super Health Centers na itinaguyod ni Go ay mga medium na bersyon ng polyclinics at mas malaki kaysa sa rural health units.

The post DAGDAG NA BADYET SA HEALTH PROGRAMS, NAISWAK NI BONG GO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DAGDAG NA BADYET SA HEALTH PROGRAMS, NAISWAK NI BONG GO DAGDAG NA BADYET SA HEALTH PROGRAMS, NAISWAK NI BONG GO Reviewed by misfitgympal on Enero 01, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.