Facebook

PRIVATE COLLEGES ‘DI NASISIYASAT NG CHED?

Karamihan sa mga mag-aaral ay dumadayo pa sa METRO MANILA upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo subalit kalbaryo pa rin ang dinadanas kahit tapos na sa kolehiyo.., dahil halos isang taon pa ang ipaghihintay para lamang makuha ang kanilang mga transcript of records na requirement para makakuha ng BOARD EXAMS o makapag-aplay na sa pagtatrabaho.

Dahil sa K-12 EDUCATION PROGRAM na ipinairal sa ating bansa ay nadagdagan ng 2-taon ang mga high school student.., na ibinida ng gobyerno noon na hindi man makapagtapos sa kolehiyo ang mag-aaral basta natapos ang JUNIOR at SEÑOR HIGH SCHOOL ay maaari at competitive na sa pagtatrabaho ang mga ito; subalit, hirap pa rin ang mga nakatapos ng SEÑOR HIGH SCHOOL dahil mas pinagkakatiwalaan pa rin ang mga nanghahawak ng COLLEGE DEGREE.

Natatandaan ko pa noong ilunsad ang K-12 EDUCATION PROGRAM ay naihayag noon ni dating PRESIDENT BENIGNO “NOYNOY” AQUINO III na…, “naninindigan pa rin po tayo sa ipinangako nating pagbabago sa edukasyon ang gawin itong sentral na estratehiya sa pamumuhunan sa pinakamahalaga nating yaman ang mamamayang Pilipino. Sa K to 12 tiwala tayong mabibigyang-lakas si Juan dela Cruz upang mapaunlad-hindi lamang ang kaniyang sarili at pamilya kundi maging ang buong bansa.”

Resulta.., tila naging dagdag kalbaryo sa mga mag-aaral ang naging sistema sa edukasyon dahil sa pag-aaplay para magkatrabaho ay COLLEGE DIPLOMA pa rin ang pinagkakatiwalaan kumpara sa SEÑOR HIGH SCHOOL GRADUATE.

Tulad ngayon.., kung susuriin o magsasagawa lamang ng pagsisiyasat ang COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED) sa PRIVATE COLLEGES partikular sa METRO MANILA ay madidiskubre ang kalbaryong dinadanas ngayon ng mga nagsipagtapos sa kolehiyo nitong nagdaang taon.., dahil, ang mga nagsipagtapos ay hindi pa rin makapagtrabaho.

PAGING CHED CHAIRMAN PROSPERO III.., may mga pribadong unibersidad o kolehiyo ang hindi pa nila maibigay ang mga TRANSCRIPT OF RECORDS (TOR) na kailangan para ang mga estudyanteng nagsipagtapos ng kursong kakailanganin pa ng BOARD EXAM ay hindi makapag-aplay para sa CIVIL SERVICE EXAM at ang ibang mga nagsipagtapos naman ay hindi rin makapag-aplay para sa pagtatrabaho ayon sa kursong kanilang tinapos dahil wala silang patunay o hawak na TOR.

Ang mga COLLEGE GRADUATE nitong nagdaang taon ay sa kalagitnaan pa nitong taong 2023 nila makukuha ang kanilang mga school record na halos isang taon mula nang magsipagtapos ang mga mag-aaral ay matetengga pa rin at hindi makakakuha ng BOARD EXAMS o makapag-aplay sa pagtatrabaho dahil sa kagagawan ng kanilang mga SCHOOL ADMINISTRATOR!

Sir CHAIRMAN DE VERA III.., ang ARYA po ay katuwang para sa adhikain ng gobyerno at kayo po ay pinagkakatiwalaan ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR para sa kapakanan ng edukasyon.., na hinahangad ng ARYA ay dapat ang lahat ng mga eskuwelahan ay kumpleto na ang lahat ng requirement na kailangan ng mga estudyante sa araw o pinakamatagal na ang 15-days mula sa petsa ng GRADUATION ay makuha na ang mga TOR para makapagsimula agad sa panibagong buhay ang mga nagsipagtapos.., HAPPY NEW YEAR po sir DE VERA III!

***

CPP NAGING BALAKID SA MARAMING PILIPINO…

Dear Sir Irwin:

Pagkawala ng suporta mula sa masa. Yan ang tuluyan magpapabagsak sa isang organisasyon o kilusang kumakalaban sa ating pamahalaan. Tunay naman na wala silang laban kung pagtulung-tulungan sila ng mga tao labis na nilang naperwisyo sa mahabang panahon. Ang Communist Party of the Philippines, New People’s Army at National Democratic Front ay sadya naman naging balakid sa buhay ng maraming Pilipino.

Sa pagkamatay ng mga matataas nilang lider, pagkaaresto sa iba pa nilang miyembro at pagsuko ng maraming rebelde, walang dudang bumubulusok pababa na nga ang kanilang organisasyon. Sa patuloy na pagkakaisa at pakikipagtulungan ng ating mga kababayan, maliwanag na ang pag-asang tayo’y makakalaya sa kuko ng terorismong dala ng mga komunista.

Johann Quin Sandejas of Bustos, Bulacan.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.

The post PRIVATE COLLEGES ‘DI NASISIYASAT NG CHED? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PRIVATE COLLEGES ‘DI NASISIYASAT NG CHED? PRIVATE COLLEGES ‘DI NASISIYASAT NG CHED? Reviewed by misfitgympal on Enero 03, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.