Grabe na umano ang mga naglipanang mga iligal na pasugalan sa lalawigan ng Bulacan.
Sa lahat ng mga kaganapang ito ay nakatunganga lamang at nakanganga lang ang ama ng probinsiya na si Governor Daniel Fernando.
Bakit kamo?
Eh pawang mga kumpareng putik umano ng gobernador ang nasa likod ng illegal gambling operations sa Bulacan gaya ng jueteng at e-sabong.
Yung mga tinaguriang sugal lupa naman gaya ng mga peryahang may sugal at saklang-patay ay hawak naman ng mga local officials at ng kapulisan.
Dahil wala ngang moral ascendancy na ipatigil ito ni Gov.Fernando dahil may mga pasugalan din ang kanyang mga sariling alipores, hayun at mistulang free- province na ang Bulacan sa dami ng mga iligal na pasugalan.
Naging mga talamak na sugarol na tuloy ang mga Bulakenyo.
Ang masakit para sa mga kababayan natin diyan sa Bulacan, mistulang ginigisa na lamang sila sa sarili nilang mantika dahil ang kanilang kinalolokohang sugal ay pawang may daya.
Literal na niloloko at ginagago ang mga Bulakenyo ng mga dayong gambling operators na ito.
Lahat ng panggagagong ito sa mga mamamayan ng Bulacan ay alam ng kanilang mismong gobernador,mayors at ng kanilang mismong mga barangay kapitan.
Mula sa pamosong jueteng hanggang sa color games at drop ball ng mga peryahan.
Halimbawa na lamang ay ang mga puwesto pijo sa Barangay Tangos sa Baliuag, sa Sto.Nino sa Meycauayan sa Barangay Poblacion sa Pandi, sa Jonels Bocaue, hiway Bocaue, Loma De Gato Marilao at sa Brgy. Sta. Rita, Guiguinto na pag-aari ng isang Nestie.
Lahat halos ng bayan at siyudad sa balwarte ni Gov.Fernando ay may mga iligal na sugalan.
Pati ang mga kapulisan diyan sa Camp Alejo Santos na katabi lang halos ng official residence ni Gov.Fernando ay nabubundat na rin mula sa payolang mula sa sandamukal na mga pasugalan.
Totoo nga bang tao ni Gov.Fernando ang protektor ng jueteng sa buong Bulacan kung kaya’t bahag ang buntot ng Bulacan PNP na ito ay sawatain?
Ika nga,”if you can not beat them,you might as well join them”!
Kaya ang resulta,Sona Libre na ang buong Bulacan sa mga pasugalan.
‘Yan ba ang klase ng kulturang nais ipakita ni Governor Daniel Fernandez sa kanyang mga constituents lalo na sa mga kabataan!
Ang kultura ng pagsusugal o “easy money”!
Yan ba ang gustong gawing imahe ni Gov Fernando para sa mga Bulakenyo?
Ang maging talamak na sugarol!
Pati umano sa mga sabungan ay mayroon na umanong pula’t puti at offtrack betting station para sa illegal e-sabong.
Ano nga ba ang kayang gawin dito ng DILG at ni Sec.Benhur Abalos kung saan mismong mga local at police officials ang protektor ng mga iligalista?
Nganga na rin ba?
Ano Sec.Benhur Abalos?
Kaya mo pa bang gampanan ang inyong tungkulin?
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post TALAMAK NA MGA PASUGALAN SA BULACAN appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: