Dalawang sasakyang nirentahan umano at isinanla sa iba ang nabawi ng mga awtoridad sa Laguna.
Ang mga suspek, may bago raw estilo sa modus na “rentangay.”
Sa ulat, natunton ng Philippine National Police Highway Patrol Group National Capital Region (PNP-HPG-NCR) sa San Pedro, Laguna ang dalawang sasakyang isinangla ng isang dati nang suspek sa modus na rentangay.
Minanmanan daw ng awtoridad ang suspek na nakalaya lang matapos nakapagpiyansa.
Hindi pa nagpaunlak ng panayam ang pinagsanlaan ng mga sasakyan pero laking gulat daw niya nang ipaalam ng mga pulis na nakaw ang mga sasakyan.
Ayon sa ulat, isinanla sa kaniya ang isang itim na sedan sa halagang P200,000 habang ang pulang sasakyan isinanla sa halagang P160,000.
Hindi raw niya personal na kilala ang suspek at may broker lang daw na nakipagnegosasyon, na hindi na niya ma-contact.
Isuko na niya sa mga pulis ang mga sasakyan na isinanla sa kaniya.
Ayon sa PNP-HPG, may bagong estilo ang mga suspek para makapambiktima pa rin.
“Para maengganyo nila ‘yung kanilang biktima bukod sa isangla ‘yung sasakyan bibigyan pa nila ng 3% na premium ‘yung magrerenta bilang kabayaran du’n sa kanilang isasanlang sasakyan,” PNP-HPG-NCR chief Police Lieutenant Colonel Joel Casupanan.
“The following month or day papalitan na naman ng ibang sasakyan papalit-palit ‘yung sasakyan hanggang sa ‘yung ating biktima nagtataka siya bakit ‘yung pinarentahan sa kaniyang sasakyan is from time to time pinapalitan ng suspek,” patuloy nito.
Nakikipag-ugnayan na ang PNP-HPG-NCR sa Land Transportation Office para makuha ang mga record ng mga sasakyan para malaman kung sino ang rehistradong may-ari ng mga sasakyan, address at history ng sasakyan.
Magiging dagdag ebidensya daw ang mga ito sa isasampang kaso at para tumayo ring complainant laban sa suspek.
Pinaalalahan ng mga awtoridad ang publiko magduda sa sobrang babang halaga ng benta, renta, o sangla ng isang sasakyan, lalo kung walang kaukulang dokumento gaya ng orihinal na OR/CR.
The post Bagong modus sa ‘rentangay’: 2 kotse nirentahan, isinanla sa iba appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: