Facebook

2 ‘Fixers’ na empleyado ng Makati City Hall, huli

Inaresto ang dalawang tauhan ng Makati City Hall sa ikinasang entrapment operation nang mag-alok ng “fixing service” sa nagpanggap na negosyante na nag-aaplay ng business permit.

Kinilala ang mga inaresto na sina Wilfreda de Leon, 59, Administrative Assistant III; at Merlin Balbuena, 46, tauhan ng Makati Health Department Sanitary Section.

Sa ulat, nadakip rin ang isa pang kasabwat na si Aisheen Mana-ay, 27.

Ayon kay Makati police chief Col. Edward Cutiyog, nakatanggap sila ng sumbong mula sa city hall ukol sa iligal na transaksyon na ginagawa ng kanilang mga tauhan sa ilalim ng Makati Business Permits and Licensing Office (BPLO).

Dito nagkasa ang pulisya ng entrapment operation nang isang policewoman ang magpanggap na negosyante at nangangailangan ng tulong sa pagproseso ng business permit.

Kinontak nito si Mana-ay sa pamamagitan ng isang text na nanghingi ng P500 para sa pagpro­seso at nagresulta ito sa pagkakadakip kay Mana-ay.

Sa interogasyon, inginuso niya si De Leon na siyang kontak niya. Inaresto si De Leon sa loob ng Makati City Hall Building 2. Narekober kay De Leon ang mga marked money at boodle money na gamit sa operasyon.

Samantala, inaresto naman si Balbuena sa hiwalay na entrapment operation sa harap ng isang conveniece store sa J.P. Rizal Avenue kung saan nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na tinatambayan ng mga fixers. Nakumpiska sa kaniya ang P1,000 bill, 49 piraso ng boodle money at 41 piraso ng tapos ng health certificates.

Ikinadismaya naman ni Makati City Mayor Abigail Binay ang pangyayari at nanindigan na kakasuhan ang mga sangkot habang patuloy ang mahigpit na kampanya laban sa mga fixers sa lokal na pamahalaan.

The post 2 ‘Fixers’ na empleyado ng Makati City Hall, huli appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 ‘Fixers’ na empleyado ng Makati City Hall, huli 2 ‘Fixers’ na empleyado ng Makati City Hall, huli Reviewed by misfitgympal on Pebrero 01, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.