INIULAT ng Department of Education (DedEd) na hindi bababa sa 38 paaralan ang napinsala nang tumama ang magnitude 6 na lindol sa New Bataan, Davao de Oro.
Kabilang sa mga apektadong paaralan ang Sonlon National High School sa Asuncion, Davao del Norte; Alejal Elementary School sa Carmen, Davao del Norte; Toril Elementary School sa Island Garden City of Samal at Montevista National High School sa Davao de Oro.
Naganap ang lindol noong nakaraang Miyerkules, kungsaan natunton ang epicenter sa 12 kilometers northeast ng New Bataan.
Dagdag dito, nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 882 aftershocks.
Sa mga aftershock na ito, dalawa lang ang naramdaman na may magnitude mula 1.5 hanggang 3.6.
Iniulat naman ng Office of Civil Defense na hindi bababa sa 16 katao ang nasugatan sa pinsala ng lindol sa naturang lugar.
Batay sa Region 11 Educational Cluster Report, sinabi ng DepEd na mangangailangan sila ng humigit-kumulang pitong milyong piso para maisaayos at maitayo ang mga nasirang paaralan.
Una rito, sinabi ni Education Spokesman Michael Poa na sasailalim sa pansamantalang alternative delivery modes o distance learning ang mga mag-aaral na apektado ng mga paaralang nasira.
The post 38 eskuewalahan sa Davao de Oro sinira ng lindol appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: