Arestado ang apat na holdaper sa magkahiwalay na pagsasagawa ng Oplan Sita at follow-up operation ng mga operatiba ng Las Piñas City police nitong Sabado.
Kinilala ni Las Piñas City police chief P/Col. Jaime Santos ang mga naarestado na sina Jerome Marquina y Cantal, 25; Artju Palomata y Bustamante, 24, kapwa construction worker; Julio Czar Omahoy y Gersola, 31; at Glenn Cañete y Ricaport, 31.
Sa report, unang nasakote sina Marquina at Palomata habang nagsasagawa ng Oplan Sita operation ang mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riders Unit (TMRU) sa Luningning Subd, Brgy Talon 4, Las Piñas City at napadaan sa lugar ang motorsiklong Yamaha Novu Z na walang plaka na minamaneho ni Palomata at backride na si Marquina na kapwa hindi nakasuot ng safety helmet.
Sa halip na huminto pinaharurot pa ni Palomata ang motorsiklo kung saan nagkaroon ng habulan at nang masakote narekober sa posesyon nito ang isang kalibre .38 rebolber habang si Marquina naman nakuhanan ng kutsilyo na nagresulta ng agad nilang pagkakaaresto.
Agad na dinala ang mga suspects sa Talon Sub-Station kung saan positibong kinilala ng biktimang si Edward Molina y Pantubila, 32 sina Palomata at Marquina na mga nangholdap sa kanya.
Sa salaysay ni Molina, tinutukan siya ng baril at kutsilyo nina Palomata at Marquina kabilang ang dalawa pang suspects ala-una ng madaling araw nitong Biyernes (Pebrero 10) sa Mangga St., Talon 5, Las Piñas City kung saan nakuha sa kanya ang kanyang cellphone na nagkakahalaga ng P10,000, relong Seiko (P5,000) at perang P800.
Sa isinagawang imbestigasyon, inginuso nina Palomata at Marquina ang kanilang dalawa pang kasama kung kaya’t agad na ikinasa ang follow-up operation na nagresulta naman sa pagkakaaresto sa dalawa pang suspects na sina Omahoy at Cañete na nakumpiskahan din ng isang kalibre .38 rebolber at isang kutsilyo.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions), BP6 (Illegal Possession of Bladed Weapons) at Robbery in Band ang mga suspects na kasalukuyang nakapiit sa Las Piñas City Police Station detention facility.(Jojo Sadiwa)
The post 4 holdaper timbog sa Las Piñas appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: