Facebook

Cavite, pinamumugaran ng mga noturyos na operator ng sakla?

Sa CALABARZON area o Region 4A o , ang lalawigan umano ng Cavite ang pinakanotoryus na lugar pagdating sa operasyon ng iligal na sugal na SAKLA, at iba pang uri ng kailigalan, – ayon sa reklamo via text message ng nagpakilalang pulis na ayaw magpakilala bilang proteksiyon narin sa kanya, dahilan kaya ‘di masugpo-sugpo ang mga BAKLAYAN o SAKLAAN sa nasabing lalawigan ay dahil sa umiiral na “lagayan system”.

Pakiwari ng impormante natin, ‘mahina’ umano ang liderato ni Cavite PNP Provincial Director PCol Christopher F. Olazo.
Bukod sa malala pa ring drug problem sa nasabing lalawigan, naglipana rin ang crime incidents, operasyon ng SAKLA ang iba’t ibang klase ng sugalan.

Kahit saang sulok ng Cavite, ayon sa source, ay may operasyon ng baklayan, sakla, tupada, lotteng at STL-con jueteng.
Bukambibig kasi ng mga operator ng Baklayan o Sakla sa Zapote Bacoor, Imus, Kawit, Silang, Cavite City, Naic, Noveleta,Tanza, Magallanes at Maragondon na sina alyas Tagoy, Erik, Maricon, Romulo, Ronie, Amy at Minong na walang pwedeng bumangga sa kanila dahil direkta umano silang nakikipag-usap sa tanggapan ng Camp Pantaleon Garcia?
Sinabi rin ng source na ang mga cockpit arena o sabungan sa lalawigan ng cavite ay sentro na rin umano ng bentahan ng droga at operasyon ng baklayan (sakla) 24/7.
Ilan rin umano sa mga sabungan ay nagsisilbing shabu tiangge kung saan lantaran ang ilegal na sugal na kung tawagin ay baklayan saklaan at iba pang uri ng sugal.

Ang mga untouchable na Cockpit arena sa Cavite City ay hawak umano ng isang ‘Zaldy Kombat’; sa Indang cockpit arena naman ay hawak nina alyas Onjie at Sergeant Atas; sa Mendez cockpit arena isang alyas Dodjie, Recarte at Kagawad Felix; at sa Magallanes cockpit arena naman ni alyas Ana.

Ang cockpits arena ng Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza at Amadeo ay ino-operate umano ng isang Elwin na empleyado ng National Bureau of Investigation, kasosyo ang isang alyas Eric.

Ang baklayan (saklaan) sa Maragondon cockpit arena ay pag-aari ng isang ‘Maricon’ at ang sa Baccor cockpit arena ay minamantine ng isang ‘Genil’.

Sa dami ng kailigalan sa lalawigan, malamang tiba-tiba ang ilang tiwaling opisyal dyan kaya hamon natin kay Col. Olazo, aba’y kumilos ka naman, Sir.
Paalala kulang, ayaw ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., ng ganyan?
Samantala hindi lamang sa lalawigan ng Cavite talamak ang iligal na sugal na SAKLA (BAKLAY) kundi maging sa Padre Garcia Batangas ay lantaran din ito ayon sa nagpaabot ng reklamo.
Tutukan natin!

***

Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:00am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.

The post Cavite, pinamumugaran ng mga noturyos na operator ng sakla? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Cavite, pinamumugaran ng mga noturyos na operator ng sakla? Cavite, pinamumugaran ng mga noturyos na operator ng sakla? Reviewed by misfitgympal on Pebrero 22, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.