Facebook

MATAPOS ANG UNOS… TUMINDIG SA PAGSULONG NG KUMUNIDAD!

Kahanga-hangang pagbalikwas mula sa tila pagkagupong epekto nang mapanlait na pagsisiyasat ng SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE ay saglit na panahon lamang at tumindig muli.., upang harapin at mapasulong pang higit ang pamumuhay lalo na sa pagtulong sa mga nangangailangan sa iba’t ibang komunidad.

Ito ang naging panuntunan ni PROMINENT ENTREPRENEUR AND POLITICAL ASPIRANT na si ROSE NONO LIN.., na isinantabi nito ang hinanakit mula sa tila mapanghatol na BLUE RIBBON HEARING.., ika nga, wala siyang hinanakit sa pangyayari dahil nauunawaan niya ang trabaho ng BLUE RIBBON

Tanging panawagan nito ay nawa mabigyan ng kaukulang RESPETO ang mga RESOURCE PERSON at huwag tratuhing suspek upang mapangalagaan ang dangal ninuman at hayaan ang Korte o silid-katarungan ang maghatol.

Mga ka-ARYA.., si ROSE LIN at  asawang CHINESE BUSINESSMAN na si WEI XIONG “JEFFREY” LIN ay naparatangang sangkot sa kontrobersiya ng PHARMALLY PHARMACEUTICAL. CORP. na nakakopo sa bilyong pisong halaga para maging supplier ng COVID MEDICAL EQUIPMENT gayong ang investment capital ay wala pang isang milyong piso.

Ang mag-asawa ay  itinuro na sila ang mga opisyal ng PHARMALLY PARMACEUTICAL gayong wala silang kinalaman sa nasabing kompanya.., dahil ang dapat nilang bubuuin ay ang PHARMALLY BIOLOGICAL AND PHARMACEUTICAL CO na laan dapat sa MEDICINE MANUFACTURING COMPANY sa ating bansa.

CHIEF FINANCIAL OFFICER AND CORPORATE TREASURER ang dapat na posisyon ni ROSE LIN sa itatayo nilang PHARMALLY BIOLOGICAL AND PHARMACEUTICAL CO na ang mag-asawa ay walang kinalaman o hindi sila bahagi ng PHARMALLY PHARMACEUTICAL na isang MEDICAL SUPPLIES DISTRIBUTION CORPORATION.

Walang ebidensiyang magpapatunay sa mag-asawa na kabilang sila sa  mga transaksiyon ng PHARMALLY na nakakuha ng kontrata para sa mga COVID MEDICINE SUPPLIES.., at dahil sa imbestigasyon ay hindi na naituloy ng mag-asawa ang pagpapatayo dapat nila ng PHARMALLY BIOLOGICAL AND PHARMACEUTICAL CO

Lahat ng iniaakusa sa mag-asawang LIN ay pawang imimbento lamang umano ayon kay JEFF DAVID na siyang tumatayong abogado ng mag-asawa.

Hanggang sa ngayon, ang FINAL REPORT ng BLUE RIBBON COMMITTEE ay hindi pa rin nalalagdaan ng mga SENATOR hanggang sa pagtatapos ng 18th CONGRESS.., na 9 SENATORS lamang ang lumagda na kulang ng 2 pang SENATOR na lalagda para maaari nang talakayin dapat sa PLENARY LEVEL.

Kaya naman, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin naparurusahan ang tunay na mga nagkasala.., gayung ang reputasyon ng mag-asawang LIN ay naiwan sa pagkasira.

“Kailangan kong manindigan sa mga nag-aakusa sa akin at tingnan sila sa mata dahil gusto kong makita ng mga anak ko na wala akong ginawang mali,” pahayag ni ROSE LIN.

Ipinunto ng mag-asawa na hindi sila nakikialam sa mga SENATOR sa paggawa ng kanilang trabaho.

Anila, walang matigas na damdamin, tanging pakiusap ay para sa pagbabago.., para sa hustisya sa mga inosente gaya sa mga nagkasala.

Ang pananatiling matatag ni ROSE LIN ay dapat na mapamarisan ng lahat lalo na yaong mga nasasalang sa BLUE RIBBON COMMITTEE HEARINGS.., na bagama’t dumanas ng tila panlalait, sumama man ang loob ay hindi naghangad ng paghihimagsik sa mga GOVERNMENT OFFICIAL at sa halip ay matatag na tumitindig si ROSE LIN para sa katotohanan at lalong hinangad nito ang progresibong pagharap sa lahat ng mga sagwil o balakid sa buhay upang maging bahagi sa ikaaayos sa ating gobyerno.

Aniya.., sa halip na maghiganti ay kailangang ituon pang lalo ang pangkabuhayan at sa pagtulong sa mga kababayan para sa ikasusulong ng ating bansa.., na dapat ay matularan si ROSE LIN ng lahat na mga personalidad na dumaan man sa matinding KRITISISMO ay hindi ito nanatiling nakasubasob at sa halip ay tumindig ito para makatulong pang higit sa kasusulong ng ating komunidad!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.

The post MATAPOS ANG UNOS… TUMINDIG SA PAGSULONG NG KUMUNIDAD! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MATAPOS ANG UNOS… TUMINDIG SA PAGSULONG NG KUMUNIDAD! MATAPOS ANG UNOS… TUMINDIG SA PAGSULONG NG KUMUNIDAD! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 22, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.