Facebook

‘Doktora’ kulong sa pagnanakaw

ARESTADO ang isang janitress nang magsuot ng puting coat at nagpanggap na doktora sa isang pagamutan para magnakaw sa Quezon City.

Kinilala ang nadkip na si Miriam May Taboco Infante, 37 anyos, ng Barangay Krus na Ligas, Quezon City.

Inaresto si Infante sa reklamo ng mga doktor ng East Avenue Medical Center (EAMC) na sina Jhanella Marie Canoza De Leon, 29; Jezza Anne Melecio Jacinto, 29; at Allyson Sel –Ayen Walsi I-En.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD)-Kamuning Police Station 10, 5:27 ng umaga nang arestuhin si Infante sa loob ng ER ng EAMC sa Brgy. Central.

Sa imbestigasyon ni PCMS June Abogado, nagmanman sa ospital ang isang pulis at mamataan si Infante na kahina-hinala ang kilos habang nag-iikot sa ER.

Napuna ng pulis na nakasuot ito ng puting coat na may pangalang Dra. Jacinto.

Nilapitan ng pulis si Infante at nabuko nang hingian ng ID na nagpapanggap lamang ito nang magpakita ng ID ng isang Dra. de Leon.

Sa interogasyon, natuklasang janitress ng ospital si Infante.

Nakumpiska mula sa janitress ang ID ni De Leon, wallet na may lamang P280, UnionBank ATM Card, MAC book Laptop, medicine bag at mga puting coat ng mga complainant.

Nahaharap si Infante sa 3 counts Theft at 2 counts Usurpation of Authority.

The post ‘Doktora’ kulong sa pagnanakaw appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Doktora’ kulong sa pagnanakaw ‘Doktora’ kulong sa pagnanakaw Reviewed by misfitgympal on Pebrero 17, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.