Ni BOY ROMERO
BIGO si Willie Revillame na makuha ang simpatya ng mga tao.
Sa lahat ng anggulo at aspeto, mas marami ang tao na mas natutuwa pa sa kanya sa pagkakatanggal ng show na “Wowowin.”
Napikon-nagalit ang TV host at maging ang mga natulungang reporters ay sinusumbatan na.
At ngayon, imbes na ipagtanggol siya, nagalit pa ang mga ito sa kanyang panunumbat at isa-isa nilang sinagot-pinaliwanag ito. At wala raw silang utang na loob na dapat tanawin sa kanya.
Wala siyang nakuhang kakampi at nag-ipon lang siya ng mga kaaway.
***
BALIK-showbiz si Laverne. Matagal siyang nawala sa sirkulasyon. Nakagawa siya noon ng mga pelikula at TV appearances at naudlot ang sana’y papaganda na niyang career dahil ayaw ng ama niya na pag-artistahin siya. Gusto nito na mag-aral siya at magtapos ng Dentistry, pero di niya natapos ito dahil nag-shift ng ibang course at nagtapos ng Business Management.
Pero hilig niya talaga ang showbiz. At dahil sa pangungumbinsi ng mga kaibigang reporters at manager na si Tita Beth Carrasco Fabillaran, na-convince itong magbalik sa showbiz.
Sa pakikiharap niya sa entertainment press para sa relaunch ng kanyang career, masaya niyang ibinalita na may natapos na itong single, ang “Kahit Ilang Ulit” at available na ito in all digital platforms.
At may concert pa ito, self titled “Laverne” na gagawin sa Teatrino, Greenhills, sa February 25, 8pm onwards.
Special guests niya sina Dingdong Avanzado at Marissa Sanchez. Kinuha niya si Dingdong dahil client daw ito ng kapatid na fashion designer at si Marissa naman ay dahil nakasama na raw niya ito sa trabaho.
Marami raw ang mga pasabog na dapat abangan sa kanyang concert. Idol niya sina Kuh Ledesma at Sharon Cuneta at dream niya na makasama sa isang concert ang idolong si Kuh.
Tuluy-tuloy na ang pagbabalik niya sa showbiz, maraming plano para sa kanya ang manager na si Tita Beth, na marunong makisama sa press people.
Ngayon pa lang ay sold out na ang concert ni Laverne at ito’y kinumpirma mismo ng kanyang manager.
***
MAKE way for Marikit Artist Management.
Marikit daw para kakaiba, may recall agad.
Ito ang management na di nangangako na pasisikatin ang kanilang mga alagang artista kundi hahanapan sila ng mga trabaho at nasa kanilang mga talent din daw ang pagsikat ng mga ito.
Ilan sa mga talent nila ay nasa showbiz na rin. Tulad nina Barbara Miguel, Masculados, Charles Angeles, Angelika Santiago, Jeremy Luis at Kyle Ocampo.
Marikit Artist Management’s vision is to be the pioneer company that recognizes artists regionally.
And to build a stable of fresh faces, seasoned and high caliber actors and actresses that embody unique Filipino looks and aim to target brands, campaigns, films and shows that require Marikit Talents.
Their goal is to be the go to artist management for artists that encapsulate the quintessential Filipino charm. And this is Marikit Artist Management’s mission.
The post Nang manumbat ng mga naitulong…Willie di nakakuha ng simpatya sa publiko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: