Facebook

P20m pinsala ng sunog sa Parañaque

TINATAYANG aabot sa P20 million halaga ng mga ari-arian ang napinsala nang masunog ang isang warehouse ng mga kahoy sa Parañaque City na nagsimula Linggo ng gabi hanggang Lunes ng umaga.

Sa ulat, 11:00 ng gabi ng magsimulang masunog ang isang barracks ng Consolidated Wood Products Incorporated sa Barangay San Antonio Valley, Sucat ng nabanggit na lungsod.

Hanggang sa kumalat ang apoy sa mga nakaimbak na good lumber.

Sa lakas ng apoy, umabot pa ito kinabukasan 5:00 ng umaga at anim na oras hindi pa naaapula ang apoy.

Kung kaya’t ayon kay District 3 Fire Chief Senior Supt. Douglas Guiyab, ng Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas nila sa Task Force Bravo ang sunog dahil may katabi itong mga gasolinahan at condominium.

Lalp pang lumaki ang apoy dahil sa pabago-bago ang direksiyon ng malakas na hangin.

Ayon pa sa naturang opisyal kailangan pang mag-refill ng tubig ang mga fire truck sa katabing siyudad dahil sa maroong water interruption sa lugar.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ang insidente. (Gaynor Bonilla)

The post P20m pinsala ng sunog sa Parañaque appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P20m pinsala ng sunog sa Parañaque P20m pinsala ng sunog sa Parañaque Reviewed by misfitgympal on Pebrero 06, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.