“To serve and protect”, yan ang mandato ng mga pulis, pero sa nangyayari ngayon sa pambansang kapulisan na mismong mga top official pa ang pasimuno; kinakaibigan ang mga sindikato ng droga at illegal gambling sa ngalan ng milyones na lagay! Nagdedelikado na ang Pilipinas?
Pero hindi pa naman siguro huli ang lahat. Kailangan lamang ay maging matigas ang pamahalaang Bongbong Marcos Jr.na maging makatotohanan sa plano at gagawing internal cleansing at pagdidisiplina sa mga korap na opisyales at miyembro ng kapulisan.
Makailang beses nang ikinasa ng mga nakaraang pamahalaan ang paglilinis sa kapulisan pero walang positibong nangyari. Kaya ngayon ay ipinag-utos ni DILG Sec. Benhur Abalos ang pagbibitiw ng mga tinatawag na third level official-mga heneral at colonel para bigyang pagkakataon ang internal cleansing dahil sa usaping “involvement” ng ilang tiwaling top PNP official sa illegal drug at gambling.
Sana ang iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na internal cleansing ang maging susi at huling “daan” para sa matagal nang pinakamimithi ng bawat Juan at Maria na malinis, marangal at maasahang pambansang kapulisan.
Sana ay huwag nang makabalik sa pwesto; tuluyan nang sibakin sa serbisyo ang mga tiwali, korap, ganid sa intelhencia, abusado, pabaya, kunsintidor at inutil na regional, district, provincial director at police chief na nagsipagsumite ng kanilang courtesy resignation kamakailan, matapos ang evaluation na isinasagawa ng five-man probe team na binuo ni DILG Sec. Benhur Abalos.
***
Ang Metro-Manila ay sentro ng negosyo at komersyo, bukod pa sa ito ang luklukan ng mga may kapangyarihan sa pamahalaan kung saan ay naroroon din ang Malakanyang na tahanan ng pangulo ng bansa, tanggapan ng Senado at Kamara na nangangailangan ng mahigpit na pagbabantay para matiyak ang seguridad ng mga senador at kongresista.
Dahil sa S. A. F. E (seen, appreciated, and felt by the people through extraordinary actions) na brainchild anti-criminality project ni Maj.Gen. Estomo ay bumaba ang insidente ng kriminalidad sa Metro-Manila. Nasa ligtas na kamay ang mga mamayan ng Metro Manila dahil sa maayos na trabaho ni National Capitol Region Police Force Chief Maj. Gen. Jonnel Estomo.
Isa pang nagustuhan ni Sec. Abalos kay Maj. Gen. Estomo ay ang pagiging masipag ng heneral dahil 24/7 ay nagtatrabaho ito: inaaksyunan ang mga sumbong at reklamo na ipinaabot sa kanya ng Metro-Manila resident. Mapalad ang PNP sa pagkakaroon ng isang Maj. Gen. Estomo!
BULAG, PIPI AT BINGI SI BGEN. NARTATEZ JR.,
BGEN. CHUA INUTIL VS OLDAK!
KUNG si Maj. Gen. Estomo ay action man, itong sina Region 4A PNP Director Jose Melencio Nartatez Jr. at Ilocandia Regional Commander BGen. John Chua ay tila natutulog sa pansitan, bulag, pipi at bingi sa mga sumbong, reklamo at daing ng mamamayan.
Sa nasasakupan ni BGen. Nartatez Jr. ay tuloy-tuloy ang sakla, STL bookies at pergalan subalit walang aksyon ang heneral sa mga nasabing operasyon ng kailigalan sa CALABARZON area.
Ang kawalan ng aksyon ng mga PD, town at city police chief sa dumarami, tumitinding operasyon ng kalakalan ng droga at illegal gambling ay isang mahigpit na batayan para hilingin ng mga gobernador, mga city at municipal mayor na tanggalin, palitan ang mga tulad ng mga PNP official na ito sa nangyayari sa mga lalawigan ng Cavite, Batangas, Rizal at Laguna, kung saan maliwanag na ang pagpapabaya, pagiging mistulang inutil nina Col. Christopher Olazo, Col. Pedro Soliba, Col. Dominic Baccay at Col. Ray Glenn Silvio sa namamayagpag na operasyon ng saklaan, STL bookies, pergalan at iba pang kailigalan.
Hindi mapuknat ni Col. Olazo ang operasyon ng mga saklaan sa mga bayan ng Magallanes, Tanza at Indang nina Erik at Santiago aka Tagoy, Naic ng isang Maricon at GMA ng isang Ailyn, sa lalawigan ng Cavite, samantalang sa bayan ng Padre Garcia, Batangas ay hayagang sinusurot ang mata nina Col. Soliba at Police Chief Major El Cid Villanueva sa pasakla at rebisahan ng STL bookies ng mga drug pusher ding sina Tisoy at Nonit sa Malvar Street, malapit pa sa headquarter ng Padre Garcia PNP at opisina ni Mayor Celsa Braga-Rivera. Sa Tanauan City ay may 30 ang nag-ooperate na drug con-STL bookies operator sa pangunguna nina Ocampo, Gerry, Dimapilis, Ms. Bagsic, Jr Biskutso, Kap Biscocho aka Kap Ambo, Ablao, Cristy, Ms Lilian, Ms Annabel at iba pang pawang kilalang big time drug pusher sa siyudad ni Mayor Sonny Collantes.
Sa probinsya ng Laguna ay may 20 ang mga sakla joint na nag-ooperate, karamihan ay sa mga siyudad ng Calamba at San Pablo, iba pang mga siyudad at bayan sa lalawigang area of responsibility (AOR) ni Col. Randy Glenn Silvio, habang sa Rizal ay may 50 ang iniuulat na operator na nagpapatakbo ng pergalan, ilan dito ay kinilalang sina Dodie, Mang Bert, Tomboy, Jess, Bondying, Jonnel, Rambu at iba pa. Malaking kapulaan ito sa kapulisan na nasa ilalim ni Col. Dominic Baccay.
Bagong katatalagang CIDG Regional Chief si Col. Marlon R. Santos at Batangas Provincial Officer naman ng CIDG si LtCol. Victor Sobrepena, tingnan natin kung hindi rin ang mga ito kunsintidor at tatamad-tamad?
Sa paglalagom ay hamon naman ang kakulangan ng mga naturang PD sa liderato ni BGen. Nartatez Jr. na natuturingan nang isang “weak leader”?
Sa Urdaneta City Pangasinan ang pergalan (perya at sugalan) ni Oldak, kilala ding drug dealer sa Region I at Ilocandia Region ay namamayagpag sa Brgy. Nancayasan, Urdaneta City pero sa wari ay may piring (takip) ang mata at tila bingi pa si BGen. John Chua sa daing ng taga-siyudad at ng mga Pangasenense.
***
Para sa komento: sianing52@gmail.com/09664066144.
The post PNP, MAPALAD SA ISANG MAJ. GEN. JONNEL ESTOMO! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: