Makaraan nating ilabas ang artikulo patungkol sa ESKORT at KOTONG system ng ilang kawani umano ng Bureau of Immigration sa mga nabibiktimang OFWs, nabulgar naman ang presensiya ng isang human smuggling syndicate na pinamumunuan ng isang Sofia Malunes alias Pinky Malunes aka Lola.
MODUS OPERANDI ni alias Lola na magrecruit ng kanyang mga kababayan sa malalayong lugar at barangays sa Surralah,South Cotabato.
Si alias Lola na may edad na sa pagitan ng 63- 65 years old ay kataka- takang nakakalabas- masok sa Dubai bilang isang domestic helper.
Nakukuha umanong gawin ito ni alias Lola dahil sa mga kasapakat niyang mga empleyado ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) na umano’y nagbebenta ng mga pasaporte sa ating mga OFWs.
Ito umano ang paraan ni alias Lola para makapang- dorobo ng napakaraming biktima na karamihan ay mula Surralah,South Cotabato.
Isa sa kanyang mga biktima ay si alias LOVE na dumulog sa inyong lingkod para humingi ng tulong.
Si Love ay kamag-anak pa mismo ni alias Lola na kalugar nito sa Sitio Itompalak, Barangay Kusan,Banga, South Cotabato.
Ayon kay Love, nakapagbigay na siya ng mahigit isang daang libong piso kay alias Lola para sa kanyang pagpunta sa Dubai para magtrabaho bilang domestic helper.
Noong unang linggo ng Disyembre 2022, nagbigay ang biktima ng 50K sa asawa ni Lola na nagngangalang Efren Malunes.
Nagbigay pa ulit umano ang biktima ng panibagong Php 50K sa asawa ni Lola ng sumunod na linggo.
Huling linggo naman ng Disyembre rin ng 2022 nang umuwi ng kanilang lugar si alias Lola mula Dubai para tiyakin ang pag- alis ng biktima.
Noong March 13,2023,hinarang ang biktima ng mga tauhan ng Bureau of Immigration makaraan niyang tangkaing sumakay ng eroplano gamit ang isang tourist visa patungong Thailand sa instructions na rin umano ni alias Lola.
Ang usapan, pagdating ng Thailand ay magko- cross country na ang biktima patungong Dubai at sa Dubai na lamang ibibigay ang kanyang pasaporte na mula naman sa PH POLO sa Dubai.
Pero sa NAIA Terminal 3 pa lang ay naharang na siya ng mga taga- Immigration.
Muli siyang binigyan ng schedule ni Lola at tatlo pang miyembro ng sindikato para makalabas ng bansa,noong April 4 at April 5,2023 na pareho namang di natuloy.
Pinakahuling schedule na ibinigay ni Lola ay sa June 5, 2023 pero binalock na ni Lola ang biktima sa FB page nito.
Isang alias Marcela na kasapakat din ni alias Lola ang kanya ring binigyan ng Php 40K sa utos na rin ni Lola thru Palawan Express.
Dalawa pang nagpakilalang Immigration agents na nagngangalang
Marife at Elfran Francis Dela Cruz ang nanghihingi rin ng karagdang Php 40K para umeskort sa biktima papalabas ng bansa upang sigurado umanong di siya haharangin ng mga taga- Immigration.
Matapang pa umano si alias Lola na pinagsabihan ang biktima na wala umanong mangyayari sa paglapit ng biktima sa media.
Matatag umano ang koneksyon ng grupo nya sa PH POLO sa Duhai at mga Immigration agents dito sa Pinas.
Mukhang may ipinagmamalaki talaga itong si alias Lola,aka Sofia Malunes at aka Pinky Malunes!
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post PASSPORT FOR SALE SA PH LABOR OFFICE SA DUBAI? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: