Facebook

Kelot, kulong sa baril

Kulong ang isang lalaki nang mahalata ng otoridad na may nakabukol sa bewang nito habang palakad-lakad sa Caloocan City, Martes ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Jerome Fernandez, 42 ng 105 Liwa-liwan St., A. Mabini Marcela, Caloocan City.

Sa ipinadalang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ponce Rogelio Peñones Jr, may nagtip.sa Caloocan Police Sub-Station 12 na may gumagala.na lalaki na sa Bagong Silang na may sukbit na baril.

Nang puntahan ng otoridad, nakita nila ito sa nasabing lugar.

Nakahalata ang lalaki kaya bigla itong tumakbo kaya hinabol ng mga pulis hanggang sa masukol ala-1:30 ng madaling araw sa Phase 10B Accohomes, Brgy. 176, Bagong Silang.

Nakumpiska sa suspek ang isang cal. 22 revolver na walang lisensya na may apat na bala .

Mahaharap ang suspek sa kasong pagpabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act.(Beth Samson)

The post Kelot, kulong sa baril appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kelot, kulong sa baril Kelot, kulong sa baril Reviewed by misfitgympal on Mayo 31, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.