Facebook

Tito, Vic at Joey nilayasan TAPE ni Jalosjos

MAKALIPAS ang lampas apat na dekada, kumalas na sa TAPE Incorporated ang tatlong iconic host ng ‘Eat Bulaga’ na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Ginawa ng trio ang anunsyo sa huling araw ng Mayo, kungsaan mapapansin na bago ang announcement ay replay episodes ang pinalabas ng programa.

“Simula ngayong araw, May 31, 2023, kami po ay magpapaalam na sa TAPE Incorporated,” wika ni Vic.

“Karangalan po namin na nakapaghatid ng tuwa’t saya mula Batanes hanggang Jolo at naging bahagi ng buhay ninyo,” sambit pa ng ‘Eat Bulaga host. “Saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo’t isang tuwa.”

Unang lumabas ang tsismis na nakatakdang lumipat na sina Tito, Vic at Joey sa TV5, kungsaan ang Brightlight Productions ang kanilang magiging bagong producer.

Hindi pa klaro kung anong mangyayari sa ‘Eat Bulaga’ ngayong nagpaalam na sila sa TAPE Inc.

Matatandaan na nagkaroon ng gusot sa pagitan ng TVJ at TAPE Inc., ang producer ng ‘EB’ na hawak ng pamilya Jalosjos.

Nalantad sa ilang interview na nagkaroon ng milyon-milyong utang ang TAPE kina Vic Sotto at Joey de Leon mula sa talent fees.

Dati ring sinaad ni Tito na nagkalabuan ang TAPE Inc. at mga talent at production staff ng ‘Eat Bulaga’ dahil nais umanong tanggalin ng TAPE ang mga matatagal nang empleyado sa noontime show.

The post Tito, Vic at Joey nilayasan TAPE ni Jalosjos appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tito, Vic at Joey nilayasan TAPE ni Jalosjos Tito, Vic at Joey nilayasan TAPE ni Jalosjos Reviewed by misfitgympal on Mayo 31, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.