Facebook

BIRTUD NI NCRPO CHIEF BGEN. NARTATEZ JR.?

MAY bagong hepe ang Metro Manila o National Capital Region Police Office (NCRPO) sa katauhan ni Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr., miyembro ng prestihiyosong Philippine Military Academy Class ’92 at isang certified FBI -hindi Federal Bureau of Investigation ng Amerika, kundi “Full Bloodied Ilokano”.

Marami ang nasorpresa sa walang kaabog-abog at biglaang pagtatalaga kay BGen. Nartatez Jr. noong Lunes (June 26, 2023) sa Camp Bagong Diwa, ang official headquarter ng NCRPO kapalit ni PMGen. Edgar Alan Okubo. Halos tatlong buwan lang sa puesto, ngunit napanatili naman nito ang inaasam na serbisyo ng mga residente ng Metro-Manila na naging ligtas at payapa sa kanyang pamumuno.

Ang mga naa-appoint na NCRPO Police Chief ay yaong mga opisyal na kung tawagin ay “cream of the crop” ng PNP dahil naging subok, hinulma ng panahon ang kakayahan at karunungan sa mga nagdaan at ibat ibang assignment, kaya nagkaroon sila ng puwang para pamunuan ang NCRPO na may hurisdiksyon sa limang police district sa Metro-Manila.

Ang NCRPO position ay isa sa napaka-tangi-tangi dahil tulad ng pagpili ng PNP Chief, malayo pa ang pagtatalaga dito ng napipisil na opisyal ay napag-uusapan na, may mga pagtataya at haka-haka kung sino ang police official na posibleng mahirang sa posisyon na hindi naman nangyari ngayong pilian ng NCRPO chief dahil biglaan nga ang pagtatalaga kay Nartatez Jr. ng kanyang kababayang si PDG Benjamin Acorda Jr.

Walang ugong na mapapadpad si Nartatez Jr. sa kanyang bagong puwesto, kaya maraming PNP official, ganon din ang madlang pipol ang nagulat sa mabilis at kara-karakang anunsyo ng liderato ni PDG. Acorda Jr. sa appointment ni Nartatez Jr., bilang newly designated bossing ng Metro-Manila Police Force.

Si Nartatez na magreretiro sa March 2027 ay wala namang naipakitang magandang kontribusyon na maaring dahilan para ikapuri ng Pambansang Kapulisan? Kaya anong agimat o birtud daw meron kaya ito para makuha ang posisyon sa NCRPO, gayong palpak naman ito sa naging assignment nya, lalo na nang pamunuan nito ang Region 4-A Police Office?

Ayon sa mga KASIKRETA natin sa Camp Crame, walang maipagmamalaking accomplishment si Nartatez Jr. noong ito ay regional director ng Region 4-A CALABARZON na kinabibilangan ng mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon, kundi ang pagdami ng operasyon ng kailegalan sa parteng ito ng Timog Katagalugan.

Katunayan, nang maupo si Nartatez Jr. hanggang sa napalitan ito sa kanyang posisyon ay di nito nagawang lipulin, sawatain ang mga illegal vices na prente ng bentahan ng droga tulad ng mga mini casino sa tabi lamang ng Lian Public Market at Brgy. Manghinao sa munisiplidad ng Bauan; sakla at jueteng den sa bayan ng Padre Garcia; rebisahan ng STL-con jueteng o bookies na front din ng bentahan ng shabu sa Tanauan City, bayan ng Nasugbu, Laurel, Ibaan at Calaca at iba pa, pawang sa lalawigan ng Batangas, Quezon, Laguna, Rizal at Cavite kung saan naroroon din ang malalang problema sa operasyon ng pergalan (perya at sugalan) at illegal logging at iba pang iligal na aktibidad.

Dapat alam ni Nartatez Jr. na ang posisyon niya ngayon na NCRPO Chief ay malayo ang pagkakaiba sa R4-A dahil bantay sarado siya sa lahat na kanyang ikinikilos at ginagawa kaya kailangang mapagmasid, pagkat ang mandato niya bilang pinuno ng mahigit sa 27,000 na pulis ay dito sa Metro-Manila tiyak na lalo pang masusubukan?

LOTTENG, EZ2 AT PICK3 NI JODE SA LUNGSOD NI MAYOR JOHN REY TIANGCO!
KUNG sa R4-A ay hindi inaksyunan ni BGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang vice operation, nangangamba ang Metro-Manila resident na matulad ang kapitolyo ng bansa sa area ng CALABARZON na dumami na parang kabute ang illegal gambling ngayong ang Ilokano police general na ito na ang hepe ng NCRPO?

Ang Metro- Manila ay di tulad ng R4-A na sandamakmak ang operasyon ng jueteng, Lotteng, EZ2, Pick 3, sakla at iba pang iligal na sugal, pero may mga gambling lord sa Metro-Manila na malalakas ang loob na magpasugal at magmantine pa ng bentahan ng droga dahil sa koneksyon sa ilang alkalde tulad ng isang alyas Jode na may pa-lotteng sa lungsod ni Navotas Mayor John Rey Tiangco.

Tip natin kay BGen. Nartatez Jr., kung hindi pa niya alam, si alyas Jode ay may rebishan ng kanyang kubransa sa Lotteng, EZ2 at Pick3 sa Brgy. Sipac-Amacin, Navotas kung saan hinohokus-polus nito ang kanyang pakubransa na umaabot sa milyones kada araw – at take note general – may mga local police, mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) pati na NCRPO operative tulad ng isang Brian at Egay na nakikitang dumadalaw sa lugar.

Si alyas Jode na ex-barangay kagawad ay may dalawang dekada nang nag-ooperate ng kanyang pa-lotteng, EZ2 at Pick3 sa Fish Capital kung tawagin na lungsod na ito ng Metro-Manila at nanggaling sa bibig mismo ni alyas Jode na malapit ito sa dalawang city hall official kaya siya ay nabasbasan na kaisa-isang gambling lord na puwedeng magpa-operate ng iligal na sugal sa siyudad ng Navotas na mahigpit na ipinagbabawal ng mga Tiangco.

Upang mabago ang persepsyong kahinaan ni BGen. Nartatez Jr., kailangang pakialaman nito ang Lotteng operation sa Navotas para magkaroon naman ng pagkakataong makahinga ang mga Navoteno na nalulong sa katataya sa mga iligal na pasugal ni alyas Jode na sa katagalan na sa kanyang iligal na negosyo ay yumaman na ng todo at nagkaroon ng mga kaibigang local police at government official na nang lumaon ay naging protector na din nito.

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144.

The post BIRTUD NI NCRPO CHIEF BGEN. NARTATEZ JR.? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BIRTUD NI NCRPO CHIEF BGEN. NARTATEZ JR.? BIRTUD NI NCRPO CHIEF BGEN. NARTATEZ JR.? Reviewed by misfitgympal on Hunyo 28, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.