Facebook

Bong Go sa DoH chief: Ibigay, COVID-19 benefits ng HCWs

MANILA, Philipines — Malugod na tinanggap ni Senate committee on health and demography chair Senator Christopher “Bong” Go ang pagtatalaga kay Dr. Teodoro Herbosa bilang bagong pinuno ng Department of Health (DoH) sa pagsasabing sampalataya siya sa kadalubhasaan at karanasan ng kalihim.

“I welcome the appointment of Dr. Teodoro Herbosa as secretary of health. Sa kanyang karanasan bilang adviser noong panahon ng COVID response period, noong panahon ni (dating) Pangulong (Rodrigo) Duterte, nandiyan s’ya at malawak po ang kanyang kaalaman, ” ani Go sa isang ambush interview matapos personal na tulungan ang mahihirap na residente sa Palayan City, Nueva Ecija.

Binigyang-diin ng senador na mahalagang pagtuunan ng pansin ng kalihim ang mga pangangailangan ng mahihirap at disadvantaged na populasyon ng bansa.

“Ang pakiusap ko lang po sa kanya, unahin po ang pro-poor programs, ‘yung makatutulong po sa mahihirap, ‘yung mga hopeless, helpless nating mga kababayan na walang ibang matakbuhan kundi tayong nasa gobyerno,” ayon kay Go.

Umapela rin si Go kay Herbosa na sapat na ibigay sa healthcare workers ang kanilang mga karampatang benepisyo matapos ang walang sawang pagsisilbi noong panahon ng pandemya.

“Nananawagan po ako sa kanya and I’m sure priority rin po n’ya na mabayaran po ang mga healthcare workers natin, ‘yung mga due sa kanila,” aniya.

Ang patuloy na panawagan na unahin ang pangangailangan ng mga mahihirap at healthcare workers mula kay Go ay naaayon sa kanyang adbokasiya.

Iniakda ni Go at nag-co-sponsor siya Republic Act No. 11712 na magbibigay ng mandatoryong tuloy-tuloy na mga benepisyo at allowance sa mga pampubliko at pribadong healthcare worker sa panahon ng pandemya ng COVID-19 o iba pang public health emergency.

Ang mga pampubliko at pribadong HCW na sakop ng batas ay may karapatan sa health emergency allowance para sa bawat buwan ng serbisyo sa panahon ng state of public health emergency batay sa risk categorization.

Itinataguyod din ni Go ang mas matatag na sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa bansa kaya patuloy niyang sinusuportahan ang mga hakbang na pakikinabangan ng mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan sa Pilipinas.

The post Bong Go sa DoH chief: Ibigay, COVID-19 benefits ng HCWs appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go sa DoH chief: Ibigay, COVID-19 benefits ng HCWs Bong Go sa DoH chief: Ibigay, COVID-19 benefits ng HCWs Reviewed by misfitgympal on Hunyo 09, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.