HUMINGI ng paumanhin ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga pasahero at iba’t ibang stakeholder nitong Biyernes matapos ang maikling power interruption na nagdulot ng pagkaantala ng flight at mahabang pila sa Ninoy Aquino International Airport ( NAIA) Terminal 3.
Nabatid na ilang buwan lamang ay nagkaroon ng dalawang malalaking ‘power outage’ noong Bagong Taon at Labor Day ng taong kasalukuyan.
“Again we would like to apologize to all the passengers and stakeholders po dito sa terminal 3 today na naging abala dahil sa panandaliang power interrruption na ito,” ayon kay MIAA officer-in-charge Bryan Co sa isang press briefing.
“What happened here was at 12:52 p.m., nagkaroon ng power interruption… at naibalik ang kuryente bandang 1:29 p.m. Kaya iyon ay humigit-kumulang 37 minutong pagkaantala. Ngunit sa pagitan ng oras na iyon, ang mga power generator sa terminal 3 ay nagsimula na.” paliwanag ng opisyal
Ayon kay Co, nangyari ang insidente habang nagsasagawa ng scheduled electrical audit ang MIAA at MSERV ng Meralco na bahagi ng ginagawang power service improvement matapos ang insidente noong Mayo 1.
Habang nagsimula ang mga generator bandang 12:52 p.m., ipinaliwanag ng MIAA na ang mga ito ay sinadya lamang na ma-energize ang mga critical loads ng NAIA terminal 3.
Gayunpaman, hindi agad na-on ang mga airconditiong system dahil kailangan nito ng hindi bababa sa 30 minuto upang i-reboot at muling paganahin. Ganoon din sa mga aviation system at x-ray, na higit na nag-ambag sa pagdami ng mga pasahero.
“ We still don’t have the numbers.But in terms of the flights,there were seven flights that were delayed. That seven is already a combination of departing and arriving flights.” ani Co
“Siyempre ‘yung mga arriving flights hindi na agad sila naka-dock because the boarding bridges were interrupted briefly until the generators were able to kick in. ‘Yung iba delay of 20 minutes, 30 minutes.”
Sinabi ng MIAA na ang ugat ng problema ay natunton sa substation roadway 2, kung saan hindi sinasadyang iniwan ng isa sa mga empleyado ang “test cables” na nakabitin. Nagdulot ito ng power shortage na nakaapekto sa NAIA terminal 3 system.
Nang tanungin ng media kung ang problema ay sanhi ng ‘human error’ ,sinagot lamang ni Co ang isang pagsang-ayon.
“Muli, gusto naming humingi ng paumanhin sa lahat ng aming mga pasahero, ang mga stakeholder na naapektuhan,” aniya.
“ Rest assured,we are looking into all the possible angles on how we can avoid such recurrence as part of our comprehensive testing.”dagdag ng opisyal
Ang insidente ay hindi humantong sa anumang pagkansela ng flight. Ang build up ng mga pasahero ay sinabing “nawala” pagkalipas ng 2 p.m. Ipinaliwanag ng MIAA na nangyari ang problema sa mga off peak hours sa terminal 3. Nakatakdang dumating ang bulto ng mga pasahero mula 4 p.m. hanggang 12 midnight. (JOJO SADIWA)
The post MIAA HUMINGI NG PAUMANHIN SA ‘HUMAN ERROR’ POWER OUTAGE SA NAIA 3 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: