NGAYONG araw ginugunita natin ang ika-125 taon ng ating kasarinlan. Itinaas at iwinagayway ang bandilang tinahi ni Teodora Agoncillo sa balkonahe ng bahay ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Kabite, habang tinutugtog ang Himno Nacional na kinatha ni Julian Felipe. Kung iisipin natin simple at payak ang pagdiriwang ng unang Araw ng Kasarinlan. Ngunit, puno ito ng pag-asa, para sa kinabukasan ng baying ilang siglong nasa ilalim ng pananakop ng banyaga. Malaki ang ambag at inatang ng mga sumugal para sa Bayan. At nang makamit ang inaasam na kasarinlan nanumbalik ang kapanatagan at bumalik sila sa kani-kanyang gawain.
Ang pawis nila na inihalo sa dugong ibinuwis ng mga bayani. Ito’y punla na pinalusog at pinatatag. Gulugod ito ng isang bagong Pilipinas. Opo, simple man at payak ang unang Araw ng Kasarinlan, ngunit puno ng pag-asa para sa kinabukasan. Makaraan ang 125 na taon, saan tayo humantong? Pinamumunuan tayo ng pamamatnugot ng polisyâ sa sariling kampon, mga demagogo na pinatatakbo ang sariling agenda gamit ang panduduro, pananakot, at pambubudol.
Naluklok sila dahil sa kanilang pagiging populista, si Rodrigo Duterte, ang serial killer na pangulo, na ginamit ang takot at pamamaslang ng Oplan Tokhang upang wasakin ang hibla ng moralidad ng lipunan; at si Bongbong Marcos, na nagawang bumalik ang pamilya nila na mandarambong, at ngayo’y tinatangkang mambudol gamit ang Maharlika Wealth Fund.
Masasabi natin na namumuhay tayo sa panahon ng panganib at kawalang-katiyakan. Marahil parang ang Bayan ay nakasandal sa pader at naghihintay na paputukan ng mga berdugo. Ngunit may isang bagay na pagtitiyak ng kaligtasan, at ito ay ang pananaig ng batas. Opo, naniniwala ang abang lingkod niyo na ang “rule of law” ang mananaig sa bandang huli, kahit may mga Duterte at Marcos, sa tulong ng kanilang kasapakat sa Kongreso ang tatangkang butasan ang haligi ng batas, ito’y hindi uubra. Isa lang ang hindi nila maiiwasan – ang panahon. Sa nagdaang 125 taon, maraming unos ang sinagupa ng bansa. Marami pang unos ang sasagupain ng Pilipinas sa kanyang paglalakbay patungo sa susunod na 125 na taon. Ang masasabi ng inyong abang lingkod? Kahit nandiyan ang mga anay, matibay at matatag ang haligi. Kasihan nawa tayo ni Poong Kabunian at Mabuhay tayong lahat sa Araw Ng Kasarinlan.
***
TINANGGIHAN ng Muntinlupa City RTC Branch 256 ang petisyon sa piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni dating senador Leila de Lima. Sa desisyon ni hukom Romeo Buenaventura nagparang sabungan kung saan nanalo ang pato ang lagay ng ating hudikatura, at ang pangkalahatang lagay ng katarungan sa ating bansa. Kahit sinabi ni Bondying Remulla na hindi siya makikialam sa desisyon ng korte sa hiling ni dating senador de Lima, halatang obvious ang maniobra ng mga galamay ng dating serial-killer president Rodrigo Roa Duterte. Paano ba naman hindi halatang-obvious, e ang presiding judge ay hukom na tubong Davao, at isang Bedista, kaya hindi halatang obvious ang galamay ng dating serial killer president Rodrigo Roa Duterte. Kaya maganda ang ginawang “haiku” ni Ajing M. Abad, isang netizen:
“Dismissed sa unang kaso…
Acquitted sa pangalawa…
Tas bail denied?…”
Kahit anong lohika ang gamitin ang masasabi ko lang: HALATANG OBVIOUS…
***
KINASUHAN si dating US president Donald Trump sa kasong kriminal. Marahil mabagal ang usad ng katarungan, lalo na sa mga katulad niya na may pribilehiyo at pera, subalit ang katarungan ay katarungan, at ito ay hahantong din sa pagpataw ng katarungan. Ngayon, kumbaga sa kara y krus, ito ay ulo o ibon lamang. May sala o wala.
***
Mga Harbat Sa Lambat: “If Romeo Buenaventura, the judge who denied the bail plea of Leila de Lima, is from Davao City and an alumnus of San Beda University, the home city and alma mater of Digong, respectively, there is a greater chance that she will be convicted of her third drug case…” – Sahid Sinsuat Glang, dating sugo, netizen
“Norway’s well managed Sovereign Fund lost $164 billion in 2022. They are a rich nation that can absorb the loss. What about Phls?…” – Anonymous
LUMALABAG ANG PONDO NG MAHARLIKA NI MARCOS sa ‘PRINCIPLES OF ECONOMICS AND FINANCE’
Tahimik na sinasabi ng Faculty ng UP School of Economics ang P500- bilyon ni Marcos
Ang Maharlika Investment Fund ay lumalabag sa mga pangunahing prinsipyo ng ekonomiya at pananalapi at nagdudulot ng malubhang panganib sa ekonomiya at pampublikong sektor
Binigyang- diin ng UPSE faculty na ang anumang sovereign wealth fund ay dapat magkaroon ng malinaw na layunin sa mga pinapahintulutang pamumuhunan at aktibidad nito at maglatag ng mga makatwirang inaasahan at sukatan ng tagumpay. -Belen P. Sultan, netizen
“BBM’s appointment of Teodoro Herbosa as the new DOH Secretary comes as a surprise. As Executive UP Vice President, Herbosa said before that there was no record at UP attesting that Imee Marcos graduated from the state university nor she graduated with honors…” – Sahid Sinsuat Glang, dating sugo, netizen
“What happens when the unqualified attain high positions? It goes into their heads. Pumapalpak na nga mayabang pa!…” – Prof. Cesar Polvorosa Jr. guro, netizen
***
Jok Taym:
(Ingles naman)
GLISERO: So what is your favorite color?…
GLISERA: Stop asking me stupid questions… Ask me something logical and mature instead…
GLISERO: Okay, how many moles of sodium bicarbonate is needed to neutralize 0.8 ml. of sulphuric acid at STP?…
GLISERA: My favorite color is pink…
***
Wika-Alaminin: SUNGO: Tangkay na nagdudugtong sa prutas o bunga at sa isang puno. Kapag ginamit sa pananalita: “Kadalasan may nakakabit na SUNGO sa ubas na tinatanggal ko bago kainin…”.
***
mackoyv@gmail.com
The post PANANAIG NG BATAS appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: