NAPAKATAGAL nang nag-ooperate ng kanyang illigal card game ang tinataguriang Metro- Manila sakla queen, Navotas based gambling operator at pinag -ugatan na sa pagmamantine ng naturang uri na pasugal kaya walang kaduda-dudang siya ay “untouchable” sa kanyang lantarang pamamayagpag sa lungsod ni Mayor Gonzalo Dale “Along” Malapitan.
Itong si Lucy pala ay unang dumapo sa Caloocan City para magpatakbo ng sakla noong kapanahunan ni actor-turned Mayor Reynaldo “Rey” Malonzo na nagpatuloy sa panahon ni ex-mayor Recom Echiverri hanggang kay Mayor Oscar Malapitan at nananatili pa ngayong si Mayor Along na ang punong lungsod.
Kung susumahin, halos tatlong dekada na ang operasyon ng sakla ni Lucy sa lungsod ng Caloocan, kaya daang milyon na din tiyak ang kinita ng gurang at ma-impluwensyang sakla operator na ito mula sa mga nalululong na mga mananaya ng nasabing iligal na pasugal.
Anong birtud, mahika o anting-anting meron itong si Madam Lucy at parang siya na lang ang may sole right, may kapangyarihan o karapatan na makapag-operate ng parang ligal na sakla sa lungsod na ito?
Ang mabilis na pag-unlad ng Caloocan City ay dahil sa magaling na pamamahala ng mga Malapitan kaya puring-puri ng publiko ang mag-amang lingkod-bayan, pero alam kaya nina Mayor Along at Cong. Oca na nababahiran ang kanilang epektibong paglilingkod dahil sa nagkalat na saklaan sa halos lahat na sulok ng siyudad ni LUCY?
Para sa kaalaman ng mag-amang Malapitan, ang mga sakla joint ni LUCY ay matatagpuan sa mga matataong lugar ng squatter area, partikular sa Dagat-Dagatan sa Ikalawang Distrito ng lungsod kung saan nakatira ang daang libong pamilya ng mga hikahos na masa at informal settler. Pati mga bata ay pinapayagang magsugal, tumaya na hindi dapat, pagkat ang sakla ay isang iligal na hindi magandang kamulatan sa murang edad at ang napaka-agap na pagkalantad ng mga kabataan na ito sa masamang bisyong sugal na hindi naayon sa batas.
Ang nakapagtataka, napakatagal nang nag-ooperate ang sandamakmak na saklaan ni LUCY sa Caloocan City pero ang kapulisan na ngayo’y pinamumunuan ni Col. Ruben Dela Cuesta ay nakatunganga na tila balewala lang sa kanila ang lantarang operasyon ng mga illegal na ito ng naturang gambling financier.
Bilang hepe ng Caloocan City Police, may pananagutan si Col. Dela Cuesta dahil mandato niyang linisin ang kanyang area of responsibility (AOR) sa mga bawal sa batas na saklaan ni LUCY. Ang di pagkilos laban sa hayagang pag-ooperate na pasugal ay paglabag sa batas na maaring maging dahilan para masibak sa puwesto si Col. Dela Cuesta at iba pa nitong mga opisyales.
Bukod sa Dagat-Dagatan sa Ikalawang Distrito sa lungsod, sangkaterba din ang mga sakla den ni Lucy sa Grace Park sa 2nd District, Bagong Barrio at Bukid Area sa 1st District at maging sa mga Squatters Areas sa 3rd District ng lungsod, kung saan ay may mga nakatayong police precinct o sub-station hindi lamang upang matugunan ang patakaran ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. na magkaroon ng maximum police visibility at mahigpit ding maipatupad ang batas sa kanilang hurisdiksyon.
Liban pa dito ay may mga “SIKRETA” o mga police detective, mga operatiba ang pulisya ng Caloocan City, na maaring agarang italaga o gamitin ni Col. Dela Cuesta upang sugpuin ang anumang uri ng kailigalan sa hurisdiksyon ng siyudad ng Caloocan, ngunit hindi ito nagagawa ng dati ay matikas na Caloocan City police chief laban kay LUCY?
Kaya habang may panahon pa, bago pa man silang dalawa kapwa ni Northern Police Chief BGen Rogelio. Penones ay mapahamak dahil sa tila kawalang kakayahan, hindi na dapat pang magpa-kuya-kuyakoy na lamang sa kanyang opisina si Col. Dela Cuesta na dati ay “action man” na police chief, pakilusin lahat nito ang kanyang mga operating unit para lansagin na ang pamamayagpag ng sakla joints ni LUCY na nagsisilbing “eye sore” sa mamamayan ng siyudad ng Caloocan at batik sa liderato nina Mayor Along at Cong. Oca. Ating abangan ang aksyon nina Mayor Along at Cong. Oca…
***
Para sa komento: Cp. No. 09664066144.
The post “UNTOUCHABLES” NI LUCY SA CALOOCAN CITY! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: