PINAAALALAHANAN ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang ating mga kababayang Bikolano na sumunod sa mga rekomendasyon at evacuation instructions ng lokal na pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.
Ginawa ni PBBM ang pahayag matapos isailalim sa state of calamity ang probinsya ng Albay dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon,
Sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy ang paglilikas sa mga pamilyang nakapaloob sa 6km permanent danger zone at pagdadala sa kanila sa mga evacuation centers.
Ipinagmalaki ng Presidente na nakaantabay na rin ang DSWD o Department of Social Welfare and Development para sa ihahatid nitong tulong tulad ng P114 million Quick Response Fund; P5 million funds na nasa Field Office Region V; at 179,000 Family Food Packs na nasa Disaster Response Centers.
Maliban sa mga preparasyong ito, idinadag ng Pangulo na maaasahang patuloy ang koordinasyon at pagtutulungan ng bawat ahensya kagaya ng Office of Civil Defense, Department of Agriculture, Department of Health, DENR, PHIVOLCS, at iba pa. (Gilbert Perdez)
The post PBBM NANAWAGAN SA MGA BIKOLANOS NA TUMALIMA SA EVACUATION INSTRUCTIONS NG LGUs appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: