Facebook

Kapakanan ng mga nars, isinusulong ni Bong Go

Kinikilala ang mahalagang papel ng mga nars sa healthcare service at upang maiangat ang kanilang propesyon, patuloy na itinataguyod ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga hakbang na magtitiyak sa kanilang kapakanan at magpapabuti sa kondisyon ng kanilang trabaho.

Sa isang interview matapos ang kanyang pagbisita sa Naga City, Camarines Sur, iginiit ni Go na ang healthcare workers ay dapat bigyan ng patas na kabayaran na sumasalamin sa kanilang napakahalagang serbisyo.

Kaya naman itinulak niya ang pagbibigay ng mga benepisyo at insentibo upang matulungan ang mga nars nang sa gayo’y mahikayat silang manatili sa bansa.

Noong 18th Congress, isa sa author at co-sponsor ng Salary Standardization 5 o SSL5 si Go na nagtaas sa sweldo ng lahat ng government workers.

“Sana magkaroon ng SSL6 para po matulungan pa ang ating government workers na tumaas pa ang sweldo, including itong mga (public) healthcare workers,” ani Go.

Si Go ang nag-akda at nag-co-sponsor ng RA 11466, o ang SSL5 noong 2019 upang bigyan ang mga nars at iba pang government civilian employee ng kanilang ikalimang round ng pagtaas ng suweldo na pinaghiwa-hiwalay sa tranches.

Sa parehong taon, tiniyak din niya ang sapat na pondo para sa pagpapatupad ng desisyon ng Korte Suprema noong 2019 na nagpatibay sa Section 32 ng Philippine Nursing Act of 2002. Itinakda nito ang minimum salary grade ng Nurse I position sa SG-15.

Bukod dito,, patuloy na isinusulong ng senador ang nursing education sa pamamagitan ng kanyang panukalang Advanced Nursing Education bill.

Sinabi ni Go na ang nursing education sa bansa ay matagal nang kinikilala bilang isang matibay na pundasyon ng mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan.

Gayunpaman, dahil sa mabilis na pagbabago ng landscape ng healthcare service, kinakailangan nang i-update ang kurikulum at mga pamamaraan ng pagsasanay upang matugunan ang hinihingi ng modernong kasanayan sa pangangalagang pangkalusugan.

Ang “Advanced Nursing Education Act of 2022” ay layong protektahan at pahusayin ang nursing profession sa pamamagitan ng mga hakbang na magreresulta sa relevant nursing education para sa mahusay na career prospects at dignified existence ng mga nars.

Ang iminungkahing panukala ni Go ay mangangailangan ng pagtatatag ng standard basic at graduate programs sa nursing education, na itatatag sa Commission on Higher Education (CHED)-accredited institution.

Sa ilalim ng pangunahing programa, ang mga mag-aaral ay uutusan na sumailalim sa community integration at immersion para hikayatin silang magtrabaho sa iba’t ibang komunidad.

Samantala, ang isang graduate program ay bubuo sa mga karanasan at kakayahan ng mga nars tungo sa mastery, expertise at leadership sa practice, research at education.

The post Kapakanan ng mga nars, isinusulong ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kapakanan ng mga nars, isinusulong ni Bong Go Kapakanan ng mga nars, isinusulong ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Hunyo 06, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.