Facebook

Medalist ng 32nd South East Asian Games binigyan ng insentibo ng Caloocan LGU

May kabuuang 7 atleta ng Caloocan ang nakatanggap ng cash incentive mula sa lokal na pamahalaan para sa pag-uuwi ng mga medalya sa ginanap na 32nd South East Asian (SEA) Games sa Phnom Penh, Cambodia. Nakatanggap ng P20,000 ang mga medalist na umuwing may dalang bronze medal habang P30,000 naman ang mga silver medalist.

Ipinagmamalaki ng Sports Development and Recreation Office Officer-in-Charge na si G. Dindo Simpao, ang bawat isa sa mga medalist kay Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan at iba pang opisyal ng lungsod.

“Narito po ang mga achievers, na ipinagmamalaki natin dito sa Caloocan. Sa lahat ng sumali mula sa Pilipinas, pito po ang galing sa ating lungsod, kaya hindi po tayo titigil na tulungan at gabayan ang mga kababayan natin, mapa-bihasa man o nagnanais pa lamang maging atleta,” wika ni Dindo.

Ipinaabot ni Mayor Malapitan ang kanyang mainit na pagbati sa mga medalist at nagpasalamat sa pagbibigay ng karangalan at pagmamalaki sa Caloocan at Pilipinas. Iginiit din niya na patuloy na susuportahan ng pamahalaang lungsod ang mga nalalapit na laro ng mga atleta nito sa pamamagitan ng Sports Development and Recreation Office.

“Congratulations sa inyong lahat! Nais po naming kilalanin at parangalan ang pag-uwi ninyo ng karangalan sa Caloocan, nagpapasalamat ako sa bawat isa sa inyo sa taas noong pagbibitbit ng ating lungsod pati na ang bandila ng Pilipinas” pahayag ni Mayor Along.

“Asahan niyo po na kaagapay niyo ang ating pamahalaang lungsod, sa pangunguna ng Sports Development Recreation Office. Patuloy po kaming susuportahan at aabangan sa mga susunod na laban,” dagdag ni Malapitan.

Kabilang sa mga nasabing medalist sina Jayson Cayari ng Barangay 171, na nanalo ng bronze medal sa Jiu-jitsu Men’s Duo Competition, gayundin ang magkapatid na Harvey at Karl Navarro ng Barangay 86, habang si Justine Perez ng Barangay 160 ay nag-uwi ng bronze medal sa E-Sports (Crossfire).

Samantala, nanalo ng silver medal si Ivan Agustin ng Barangay 171 sa Karate Men’s 84kg Kumite, at si Jerard Jacinto ng Barangay 15 ay nakakuha ng silver at bronze medal at nagtala ng bagong Filipino record sa Men’s 50-meter backstroke swimming event.(BR)

The post Medalist ng 32nd South East Asian Games binigyan ng insentibo ng Caloocan LGU appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Medalist ng 32nd South East Asian Games binigyan ng insentibo ng Caloocan LGU Medalist ng 32nd South East Asian Games binigyan ng insentibo ng Caloocan LGU Reviewed by misfitgympal on Hunyo 03, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.