Mistulang ibinasura ng Manila International Container Port (MICP) ang memo na ipinadala ng MICP- Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) para sa agarang pagsasagawa ng pagsisiyasat sa daan-daang container vans na nagmula sa bansang China.
Ang memo ay ginawa ni MICP-CIIS CHIEF Alvin Enciso na ipinadala Kay MICP District Collector Romeo Allan R. Rosales para isagawa ang inspeksiyon sa mga kuwestiyonableng container van na napakarami ng consignee subalit iisa lamang ang broker na nagngangalang Noel Taruc Urbano.
Ang ipinasisiyasat na ibinatay sa Intel report ay nasa 500 container vans ang umano’y pasok sa technical smuggling kaya nagrequest si Enciso sa MICP Collector para busisiin kung ano ang lamang ng mga container van.
Gayunman, sa halip na sundin ang nilalaman ng memo ay ikinagalit pa umano ni MICP-District Collector Rosales na pinunit at ibinasura umano ang nasabing memo.
Higit pang naghinala ang mga bumubuo ng MICP-CIIS nang may mgaprominenteng individual ang pumapadrino para sa agarang pagpapalabas sa mga container van, gayong may natanggao na Intel report ang tanggapan ni Enciso na Hindi grocery items ang laman ng mga van kundi mga agricultural products kasama na ang asukal.
Ang mga container van na ipinasisiyasat sa presensiya ng MICP-CIIS ay ang mga naka-consign sa mga pangalang AP FOOD Products, JLDC Consumer Goods Trading, IRRV Specialized Goods Trading, KRMN Specialized Goods Trading, AP Hardware Materials Wholesaling, JLDCS Consumer Goods Trading, at SRA Aggregated Trading na ang nakadeklarang laman ng kanilang mga container van ay grocery items, exercise mat and others, kitchen furniture, steel strip in coil, sokar led lights, porcelain tiles at folding chairs.
Bunsod nito, ang ganitong pagsuway sa itinatakda sa mga regulasyon ng Adwana at sa mga batas na ipinaiiral sa ating bansa na hindi sinisiyasat ang mga kaduda-dudang laman ng mga container van ay direktang pagsuway umano sa kampanya ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jt na pagsugpo sa smuggling sa ating bansa ayon sa mga operatibang pinamumunuan ni Enciso.
The post MEMO NG MICP-CIIS CHIEF IBINASURA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: