Facebook

PALPAK NA KAMPANYA

WALANG karapatan si Gongdi na magsalita sa usapin ng illegal na droga. Anim na taon siyang pangulo at totoong palpak ang kanyang digmaan kontra droga. Hindi niya nasugpo ang droga, sa totoo lang. Marami siyang ipinapatay pero nanatili ang droga sa lansangan. Isa silang malaking kabiguan at kapalpakan sa bansa.

Hindi kailangan ang kanyang opinyon tungkol sa droga. Hindi kailangan turuan ang bansa kung ano ang gagawin upang masugpo ang problema sa droga. Pinakamaganda na tumahimik na lang si Gongdi. Wala siyang silbi at hindi niya kailangan ang magsalita upang ibahin ang kanyang imahe publiko na isang kabiguan.

Hindi karahasan ang sagot sa problema sa droga. Ang pangingibabaw ng batas (rule of law) ang kailangan na maging batayan ng kasalukuyang polisiya sa droga. Pinaglumaan na ng panahon ang polisiya ni Gongdi. Walang silbi si Gongdi sa bayan.

Marapat na ituloy ang gobyerno ang sakdal sa 50 pulis na sangkot sa P6.7 bilyon pagpupuslit ng shabu sa bansa. Hindi biro ang lawak at laki ng smuggling kung saan ang ilang mataas na opisyal ng PNP ang sangkot. Naisampa ang sakdal sa pangunguna ni DILG Secretary Benhur Abalos sa Office of the Ombudsman. Gumulong sana sa tamang landas ang sakdal.

***

HINDI isa kundi tatlo sa mga coaccused ni Leila de Lima na humingi na huwag dinggin ni Presiding Judge Romeo Buenaventura ng Muntinlupa Branch 26 ang pangatlong sakdal laban sa dating senadora. Sa kanilang magkakahiwalay na motion for inhibition, hiningi nina Ronnie Dayan, Joniel Sanchez, at Franklin Jesus Bucayu, dating hepe ng Bureau of Corrections, na itigil ni Buenaventura ang pagdinig at palitan siya ng bagong hukom.

Ikinatwiran ng tatlong coaccused na kailangan na kusang loob na umurong si Buenaventura sa pagdinig sa kaso dahil sa pagiging makiling (kulang sa impartiality) at magkasalungat ng interes (conflict of interest). Ikinatwiran ng tatlo na nagsibling legal adviser ang kapatid ni Romeo Buenaventura na si Emmanuel Buenaventura sa namayapang Kinatawan Reynaldo Umali na nagsilbi bilang chairman ng committee on justice ng Kamara de Representante at nanguna noong 2017 sa pagdinig sa usapin ni de Lima.

Binanggit ng tatlo na inamin ng kapatid ng huwes sa isang panayam sa telebisyon na tumulong siya sa paggawa ng affidavit ni Dayan kontra kay de Lima. Ngunit itinanggi noong 2022 ni Dayan ang affidavit na inihanda ng kapatid ni Romeo. Sinabi ni Dayan na napilitan siyang lagdaan ang affidavit dahil pinilit lang siya ni Umali. Sapilitan ang paglagda niya sa sinumpaang salaysay (affidavit) kontra de Lima, ani Dayan.

May pananaw na naging makiling ang hukom sa Panel of Prosecutor ng DoJ matapos hindi siya pumayag na maglagak si de Lima ng piyansa kanyang pansamantalang ikakalaya. Dahil sa kayang pagtanggi, nakikita namin na sira na ang career ni Romeo Buenaventura sa Hudikatura. Sira na ang kanyang pangalan at kredibilidad at maigi na magretiro na lang siya.

Nakikita namin na mas kailangan na tanggalin si Buenaventura at ilipat sa malayong lalawigan tulad ng Sultan Kudarat o Maguindanao. Tingnan natin kung makakapaghasik ng lagim ang huwes. Hindi siya puede sa Metro Manila. Makiling at hindi niya kilala si Lady Justice.

***

MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Huwag magpapakuha ng larawan na naka-Duterte salute. Maaaring gamitin iyon laban sa iyo. Hindi ka bigyan ng US at Schengen visa.” – PL, netizen at kritiko

“Duterte, anim na taon kang nakaupo sa Malacanang. Ini-spoil at binusog mo ang PNP as your de facto private army. Libo-libo ang pinatay ng deadly Tokhang drug war mo. Tapos, ngayon, dadakdak-dakdak ka na wari mo’y busilak ang pagkatao at liderato mo. Huwag mo kaming ululin.” – Atty Manuel Laserna Jr., netizen, kritko

“Kung may delicadeza si Judge, matagal na yang nag-inhibit. Imposibleng di niya alam na involved ang utol niya sa kaso. Garapalan na talaga ang labanan. Ang kapal din ng mukha ng judge na iyan.” – Joel Cochico, netizen, kritiko

Sa SWS survey si Sara ang magandang susunod na presidente. Tandaan nyo paano minamaniobra ng mga Duterte ang mga survey, kahit bulok na bulok ka na gagawin mong ikaw ang pinakasariwa at magaling sa lahat ng nabubulok.” – Betty O’hara, netizen, kritiko
*
MAGKAHALONG yamot at katatawanan ang aming nadama sa post ng kaibigang Philip Lustre Jr. sa social media. Pakibasa:

TROPANG BASAG ANG PULA

Hindi ba puro gago at wala sa hulog ng mg namumuno ng ating bansa? Wala na ba silang magawa na matino para sa bayan?s

Tama si Ogie Rosa, isang netizen, sa isang maanghang na post. Lumaban muna sila sa China bago magbigay ng mga panukalang wala namang katuturan…

Si Tambaloslos Francis Tolentino gustong dagdagan ng isang bituin ang watawat ng Filipinas …

Si Dick Gordon, gustong dagdagan ng isa pang sinag ang watawat pa rin ng bansa …

Si Tito Sotto, gustong palitan ang ilang linya ng pambansang awit …

Si Rodrigo gustong palitan ang pangalan ng Filipinas ng Maharlika …

Si Wigman Rodente Marcoleta naman pinalitan ang pamagat ng pambansang awit “Lupang Hinirang” at ginawang “Bayang Magiliw” …

Sila ang Tropang Basag ang Mga Pula…

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post PALPAK NA KAMPANYA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PALPAK NA KAMPANYA PALPAK NA KAMPANYA Reviewed by misfitgympal on Hunyo 14, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.