Facebook

PERGALAN NI QUIROZ SA CALOOCAN BATIK SA IMAHE NI COL. RUBEN LACUESTA!

MARAMING mga illegal vices na nag-ooperate sa lungsod ni Caloocan Mayor Gonzalo Dale “Along” Malapitan ngunit ang pinaka-sentro ng reklamo at nagsisilbing batik sa malinis reputasyon ni City Police Chief Col. Ruben Lacuesta ay ang lantarang operasyon ng pergalan (perya at sugalan) maintainer na isang alyas Quiroz na ilang buwan nang nag-ooperate sa Brgy. Malaria ng naturang siyudad.

Bakit? Itong si Col. Lacuesta pala na miyembro ng malaki at kilalang religious group ay isang simpleng police official na ang takbo ng pamumuhay ay bahay-trabaho at bahay-samba lamang dahil ang kanyang atensyon ay nakasentro sa paglilingkod sa bayan at sa simbahan.

Bilang hepe ng pulisya ng Caloocan, nasa kanyang kamay ang ikapagtatagumpay ng lungsod laban sa mga sumasalungat sa umiiral na batas tulad ng ibat ibang elemento ng kriminal at mga operator ng bawal na sugal na gamit na front sa bentahan ng droga, lalo pa ang mga kunyari ay tradisyunal na peryahan na nailatag sa mataong lugar ng Brgy. 185 Tala (Malaria) sa lungsod ng Caloocan.

Bilang kaanib ng religious sect na ang aral na itinuturo sa mga milyong miyembro ay puro kabutihan, hindi katatanggap-tanggap na pagdudahan ng publiko ang kakayahan ni Col. Lacuesta dahil sa hindi mapatigil o maipasara ang pergalan ni alyas Quiroz na ang tagapamahala na kung tawagin ay poste na si Peter.

Si Quiroz ay kilalang big-time gambling operator sa Region 3 na ang karamihan sa mga pwesto ng pergalan ay “nakatanim” sa kanugnog na lalawigan ng Bulacan sakop ng Region 3.

Dahil kinakasihan ng magandang kapalaran ay nakakuha ng endorsemen si alyas Quiroz ng isang “kapatid”, napalapit ito sa isang city hall official at sa isang Caloocan City Police Top brass kung kayat napasok nito ang Brgy. Malaria na pinag-aagawang puwestuhan ng mga perglan maintainer sa siyudad ng Caloocan.

Ang hindi alam ni Col. Lacuesta simula noon-hanggang ngayon ay pangalan nito ang binabanggit ng posteng si Peter sa tuwing nasisita ang operasyon ng nabanggit na pergalan ng mga “unfriendly police team”, kaya kalimitan ay nagkakamot na lamang ng ulo at tumatalilis mula sa mga pasugalan ng color games, cara y cruz, beto-beto, kalaskas, drop ball at ibat iba pang uri ng bawal na card at table game ang mga nagmumukhang kenkoy na awtoridad.

Kung nais ni Col. Lacuesta na mapanatili nito ang kanyang kredibilidad at epektibong panunungkulan sa mata ng mga taga-Caloocan City na saksi sa problemang operasyon ng pergalan ang suhestiyon natin ay kumilos na dapat ang magiting na police colonel.

Kailangang ipahuli na ni Col. Lacuesta si Quiroz at Peter pati na ang mga tauhan nito na parang mga ligal na nag-ooperate gabi-gabi ng nasabing pasugal.

Dinarayo ang nasabing pasugal ng napakaraming suaroll hindi lamang mula sa mga kanugnog na mga barangay kundi maging ng mga nakatira sa mga squatter colony, residential area ng naturang siyudad at maging mula sa mga karatig na lalawigan ng Bulacan.

Bukod sa Caloocan City Police, hindi din kumiklos ang pamunuan ng Northern Police District na may headquarter sa lungsod ng Caloocan, kaya ang tanong: Bakit tila walang alam si NPD Director BGen. Rogelio Penones sa nangyayari sa kanyang kapaligiran?

LOTENG, EZ2, PICK3 AT SAKLA NI MARIO BOKBOK SA MALABON
SA lungsod ni Malabon Mayor Jeanie Sandoval, isang alyas Mario Bokbok ang patuloy na nag-ooperate ng Loteng, EZ2, Pick3 at sakla kahit na ipinagbabawal ang pag-ooperate ng anumang uri ng pasugal sa nasabing siyudad.

Naghahari ang pailigal ni Bokbok lalo na ang pasakla noong panahon ng mga Oreta sa Malabon at ngayo’y pati Loteng, EZ2 at Pick 3 bookies ay pinapelan na din sa kanyang itinuturing na balwarte ang mga barangay Dampalit at Catmon. Ipinatigil na ito ni Mayora Sandoval sa kanyang pag-upo noong July 1, 2022.

Sa kabila ng pahayag ni Mayor Sandoval na ayaw nito ng sugal, ang kanyang police chief na si Col. Amante Daro ay hindi kumikilos para hulihin si Bokbok at ang mga alipores nito para masawata na ang operasyon ng illegal vices sa siyudad ng Malabon!

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144.

The post PERGALAN NI QUIROZ SA CALOOCAN BATIK SA IMAHE NI COL. RUBEN LACUESTA! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PERGALAN NI QUIROZ SA CALOOCAN BATIK SA IMAHE NI COL. RUBEN LACUESTA! PERGALAN NI QUIROZ SA CALOOCAN BATIK SA IMAHE NI COL. RUBEN LACUESTA! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 14, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.