NANAWAGAN si Mayor Honey Lacuna sa lahat ng ManileƱo na makilahok sa city-wide cleanup drive sa Huwebes, June 15.
Nabatid sa alkalde na ang cleanup drive ay magsisimula ng alas-7 ng umaga at pangungunahan ng mga opisyal at empleyado ng Manila City Hall.
“Iniimbitahan namin ang lahat na makilahok sa city-wide cleanup drive sa darating na Huwebes, ika-15 ng Hunyo, ganap na ika-7 ng umaga. I-upload ang inyong mga larawan kasama ang hashtag na #MNLCityWideCleanUP at sumama sa daan-daan na mga ManileƱong naglaan ng kanilang oras para sa komunidad,” sabi ng alkalde.
Idinagdag pa nito na : “Mula sa simpleng paglinis ng ating komunidad, basta’t sama-sama tayo ay malaki ang ating maitutulong sa ating kalikasan.”
Ang cleanup up drive, ayon kay Lacuna ay layuning paigtingin ang kamulatan at kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan sa lahat ng oras.
Umaasa ang lady mayor na ipapaalam at ipapakalat ng mga barangay authorities ang impormasyon sa cleanup drive sa kani-kanilang nasasakupan at hikayatin ang mga ito na makilahok.
Ang nasabing cleanup drive ay bahagi ng mga gawaing nakalinya tungo sa pagdiriwang ng “Araw ng Maynila” sa June 24 na siya ring anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.
Binigyang diin ni Lacuna, na isa ring doctor, ang kahalagahan ng kalinisan , dahil ang maruming kapaligiran ay nagsisilbing breeding grounds ng iba’t-ibang mga sakit.
Kamakailan lang ay nagbabala si Lacuna sa mga ManileƱo laban sa dengue na dala-dala ng mga lamok na namumugad sa maruming kapaligiran.
Dahil dito ay nanawagan ang alkalde sa mga residente na panatiliing laging malinis ang kapaligiran. Linisin ang mga sulok-sulok lalo na ang mga nakaimbak na tubig o stagnant water dahil dito nangingitlog ang mga dengue-carrying mosquitoes.
Para sa City Wide Clean Up Drive kaugnay ng selebrasyon ng Araw ng Maynila 2023, ang alkalde ay mangunguna sa cleanup drive team sa Tondo, Manila, partikular s Juan Luna St, simula sa Moriones St.
Ang ibang city department heads ay mangunguna naman sa ibat-ibang lugar sa lungsod.
* Onyx from Pedro Gil to Zobel Roxas / Zobel Roxas from Tejeron to OsmeƱa Highway
* Dangwa market and vicinity
* Road 10 from Brgy. 105 to Smokey Mountain
* Delpan st. from flyover to zaragosa / Zaragosa st. (both sides) from Road 10 to Delpan
* Taft avenue from Vito Cruz to Manila City Hall
* Arranque market and vicinity
Ang iba pang opisyal tulad nina Vice Mayor Yul Servo Nieto, Congressmen, Councilors ay magkakaroon din ng sarili nilang cleanup drives sa kanikanilang residensya at lugar habang pangungunahan naman ng mga barangay officials ang kanilang cleanup drives sa kanilang mga barangay.
Ang City Wide Cleanup Drive ay sabay-sabay na magsisimula bukas ng alas-7 ng umaga. (ANDI GARCIA)
The post Mayora Honey, nanawagan ng malawakang cleanup drive appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: