Facebook

EKONOMIYANG PAMBANSA MAAAPEKTUHAN SA KONTROBERSIYA NG PMC!

Ang kaguluhang naganap sa sirkulo ng AUSTRALIAN COMPANY na TEN SIXTY FOUR (X64) ay nagdulot ng pagkayanig sa MINING INDUSTRY sa ating bansa nang ang pinatalsik na EXECUTIVE ay naghangad na matanggal ang kasalukuyang BOARD.., dahil ang labanang ito ay nadamay pa ang ekonomiya ng bansa partikular na ang PHILSAGA MINING CORPORATION (PMC) at ng komunidad na nagbebenipisyo rito.

Ang PMC na kilala sa larangan ng pagmimina ng ginto na nakabase sa AGUSAN DEL SUR ay naging kasangkapan sa pagkakaloob ng ECONOMIC OPPORTUNITIES lalo na sa SOCIAL SERVICES at COMMUNITY DEVELOPMENT na siyang tinatamasa ng MANOBO TRIBE.., yun nga lang ang agenda na matanggal ang kasalukuyang X64 BOARD na pinasimulan ni RYAN WELKER na natanggal sa pagiging MANAGING DIRECTOR at co-founder ng AUSTRALIAN COMPANY na VITRINITE ay naging malaking banta o nakalikha ng matinding kaguluhan.

Ang naidulot sa BOARD RESTRUCTURING ay lumabis na raw sa mga prayoridad, estratehiya at decision-making process.., na ang ganiyang mga pagbabago ay maaaring mahantong sa malaking danyos sa mga pamumuhunan, exploration plans, operational efficiency at sa huli ay ang kabuhayan ng libu,-libong manggagawa gayundin ng kanilang.mga pamilya ang maaapektuhan.

Sa AGUSAN DEL SUR lang ay mahigit 500 manggagawa na ang mawawalan ng kabuhayan kapag mapalitan ang X64 BOARD.., na ang napasimulang pangkabuhayan sa naturang lugar ay magsasadlak sa pagbagsak ng ekonomiya at pangkabuhayan ng mga pamipamilya.

Bukod diyan ay maaapektuhan ang pondo para sa mga infrastructure tulad ng mga paaralan at ospital na mahalagang pangangailangan.para sa lipunan.

\Ang napatalsik sa pagiging PMC PRESIDENT na si RAUL VILLANUEVA ay nagsaad na ang PMC ay 100% na pag-aari ng kumpanyang Pilipino na nilalansi o nililinlang ng internal at external stakeholders.., na itong si VILLANUEVA ay minsan nang naging kontra sa mga foreign investor…, at sa kabila nang pakikipagtulungan niya kay WELKER ay posibleng maaapektuhan din ang pamumuhunan sa sektor ng pagmimina sa ating bansa

Ang ganitong sistema ay daig pa ang politika sa korporasyon lalo na kapag nabigo si WELKER na makapagpakita ng sapat na batayan para matanggal ang X64 BOARD sa isang resolusyon na binalangkas para sa mga shareholder.

Higit diyan ay lubhang maaapektuhan ang kabuhayan ng komunidad.., o ng mga pamilyang umaasa sa pagmimina ay lalagapak sa epekto ng corporate restructuring at shifting priorities.

Ayon sa mga eksperto sa pangangasiwa ng MINING INDUSTRY.., ang napapaloob sa muling pagsasaayos ng X64 BOARD ay senyales umano sa kasakiman at pagkagahaman sa kapangyarihan.., na ang kapalaran sa MINING INDUSTRY sa AGUSAN DEL SUR ay nakasalalay sa balance at sa mga panuntunang binuo ng boardroom.., at ang pulitikang korporasyon para sa mga EXECUTIVE tulad ni WELKER ay isang matinding suliranin para sa kinabukasan ng mga tao!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.

The post EKONOMIYANG PAMBANSA MAAAPEKTUHAN SA KONTROBERSIYA NG PMC! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
EKONOMIYANG PAMBANSA MAAAPEKTUHAN SA KONTROBERSIYA NG PMC! EKONOMIYANG PAMBANSA MAAAPEKTUHAN SA KONTROBERSIYA NG PMC! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.