Facebook

DATING PANGULONG PRRD: MISMONG MGA PULIS SINDIKATO NG ILLEGAL NA DROGA

Mga mismong pulis aniya ang sindikato ng illegal na droga hindi lang dito sa National Capital Region (NCR) kundi sa buong bansa.

Ang pahayag na ito ni dating Pangulong PRRD ay batay sa pagkakasangkot ng ilan tauhan at opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa sinasabing cover-up sa 990 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng 6.7 Bilyon pesos.

Sinabi ni PRRD na kung ito ay gramo-gramo lang at maski na kilo-kilo ay maaari pang bigyan ng konting konsiderasyon ang mga pulis na ito nguni’t sa pagkakataong ito ay toneladang shabu ang pinag-uusapan.

Papaano nga namang ipapaliwanag ito eh malinaw pa sa sikat ng araw ang ginawang kalokohan ng mga ito at obvious ding masyado na talagang may naganap na cover-up.

Nag-ugat ang lahat ng ito ng nahulihan daw kunyari ng kilo-kilong shabu ang isang Sgt. Robert Mayo na napag-alamang tao rin nila na may ginagampanang mahalagang papel sa cover-up.

Hindi pwedeng gampanan ni Mayo ang ganitong klaseng labanan ng nag-iisa. Matic at siguradong may kasabwat, blessing at kunsinti ito sa ilang matataas na opisyal na lumalabas na nagdidikta lang ng martsa at phasing.

Pinapalagay ng marami na hindi lang ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ng nasabing mga pulis dangan nga lang dahil sa kasamaang-palad ay ngayon lang ito nabuko.

Ayon kay PRRD ang mga pulis na ito ay hindi lang mga protektor ng sindikato kundi sila mismo ang sindikato sa likod ng mga illegal na droga na naging laganap na sa buong bansa.

Siguradong hindi lang ang mga pulis na ito ang may ganitong klaseng modus, marami pa aniya itong mga ibang kabaro at matataas na opisyal na maaari pang madawit kung tatagal pa at lalaliman pa ang inbesigasyon.

Ang mga pulis na sangkot at may kinalaman sa nasabing cover-up ay tinawag ni PRRD na mga “gate keeper” na sa simpleng salita ay sila ang may control sa mga ila-labas na droga na walang ibang dadaanan kundi sila-sila rin.

Kung siya lang daw ang masusunod, dapat aniyang patayin na lamang ang mga ito at huwag ng paabutin pa sa korte dahil sa gravity o’ bigat ng kasalanang ginawa nito sa bayan at lipunan.

Mantakin niyong ilan milyong mamamayan partikular na ang mga kabataan ang papahirapan ng mga demonyong ito dahil sa mga pinupuslit nitong mga droga na hindi lang kilo kundi tonetonelada pa ang timbang tsk… tsk… tsk…

Masyadong sagrado ang sinumpaang tungkulin ng mga ito sa sambayanang Pilipino at ito ay “TO SERVE AND PROTECT”. Eh ano ang ginawa ng mga damuhong ito na sa halip na protektahan ang mamamayan at sugpuin ang illegal na droga ay sila pa mismo ang numero unong nagpalaganap nito sa buong bansa.

Nuknukan pa ng sinungaling ang mga ito na halos paikutin sa palad nila ang mga nag-iimbestiga ng kaso nila na hanggang sa ngayon ay wala pa ring mapigang sapat na ebidensiya upang sila ay madiin, ” I INVOKE MY RIGHT TO SELF-INCRIMINATION”,tapos ang boxing.

Biruin mong hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin mapangalanan ang witness at ang may-ari ng droga, ano ito lokohan o’ baka naman sila rin mismo ang may-ari nito kung kaya’t hindi nila mapangalanan, ‘di po ba ?

Sa sama ng loob marahil, muling nagbigay ng suhestiyon si PRRD at ito ay ihulog na lang daw sa helicopter ang mga ito at baka sakaling aminin at sabihin na ang totoong may-ari ng droga na paulit-ulit ng tinanong sa house at sa senado.

Naging suhestiyon din ni PRRD na alisin muna sa kapangyarihan ng PNP ang anumang usapin, operasyon at pagpapatupad ng anumang batas o’ ordinansa patungkol sa illegal na droga. Maliban aniya sa mga corrupt na pulis, malaki rin ang posibilidad na deeply penetrated na ng mga sindikato ang hanay ng PNP.

Highly recommended ni PRRD ang institution ng Philippine Army upang sugpuin ang illegal na droga sa bansa.Ang army aniya ay wala pang bahid ng anumang anomalya sa larangan ng illegal na droga. Pawang mga matino at may prinsipyo ang ating mga sundalo, dagdag ni Digong.

Ang mga ito ay pawang mga suhestiyon lamang na kung ating titingnan ay may punto, may sustansiya ang sinasabi ni PRRD, kayo na po ang bahalang humusga.

The post DATING PANGULONG PRRD: “MISMONG MGA PULIS SINDIKATO NG ILLEGAL NA DROGA” appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DATING PANGULONG PRRD: MISMONG MGA PULIS SINDIKATO NG ILLEGAL NA DROGA DATING PANGULONG PRRD: MISMONG MGA PULIS SINDIKATO NG ILLEGAL NA DROGA Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.