Naganap ng tahimik ang malaking pagbubuklod ng dalawang banko ang LandBank of the Philippines at UCPB na tumututok sa pangangailangan ng mga magsasaka. Ang banko sa lupa ang nanaig at natirang nakatayo na nagpapakita ng kalakasan. At hindi pa nagtatagal ang pagsasanib ng dalawang banko, narito ang pagluluto ng isang menu na muling isasahog ang LandBank sa isang banko na pag-aari ng pamahalaan, ang Development Bank of the Philippines (DBP) sa ngalan ng pagtitipid o re-engineering sa pamahalaan. Walang kesyo sa mandato ng dalawang banko dahil may paraan kung nais. Sa pagkakataong ito, muling tahimik ang Landbank at tila muling nasa panig ang pagkakataon sa ‘di malamang lakas sa kalihim ng Kagawaran ng Pananalapi. O’ sadyang malakas ang LBP President kay NoJoke at ‘di magalaw galaw sa bangko simula ng mamayagpag bilang pangulo ng LBP-DBP-LBP. Matindi ang agimat ni Sesil B.
Hindi na maawat ang paglaki ng Landbank at sabay na lumalaki ang ulo ng mga tauhan sa nakuhang tagumpay sa laban ng pagbubuklod. Sa dami ng panalo, maging ang sangay nito sa Ortigas, Pasig sa pangunguna ng Branch Manager dinapuan ng kagalingan ng patigasin o ipa-freeze ang isang account dahil sa sulat sa taong nagsabing nagmamay-ari ng OMI-JKG. Ang OMI-JKG’y may bukas na transaksyon sa Land Transportation Office hingil sa usapin plaka ng mga rehistradong sasakyan. At tila nawala ang due diligence ng LBP upang alamin ang kabuuan ng usapin sa liham at kara-karakang at pinatigas ang pondo. At sa pagpigil ng pondo dahil sa liham ni Mr. Calalang, na may 1% sapi sa kumpanya pagmamay-ari ng OMI-JKG, hayun maging ang plaka ng mga sasakya’y hatetot dahil sa pondong tumigas sa pagkaka freezer.
Sa Landbank-Ortigas, tila naligaw ang BM na si N. Camposano, sa pag-utos ng pagpapatigas ng pondo sa ‘di pagtitiyak na mapapasakamay ng tunay na may ari ng account ngunit ang pondong pinatanganan lamang. Ang gawin ang dapat at tama tulad ng due diligence ang hakbang na inaasahan sa isang tulad mo na may hawak na maselan na katungkulan. O’ nais ding makopo ang trabaho ng LTO? Tanong lang po. Sa totoo lang, masaklap ang kaganapan sa rehistrasyon ng mga sasakyan dahil gawa sa karton ang naglabasang anunsyo na rehistrado ngunit “No Plate Available”. Puro pangako ang gawa ng LTO sa mga may-ari ng sasakyang pinarerehistro na lalabas ang plaka sa bakuran ng Landbank, hehehe. Hindi lamang sa kaMaynilaan nararanasan ang pangakuan sa halip sa buong kapuluan. Sa maling kilos ng Landbank- Ortigas, maging ang operasyon ng LTO’y apektado. Isumbong mo Asec Tugade kay Boy Pektus ng mahubaran ang tauhan ng Landbank.
Sa pagtatasa sa kaganapan, nabatid na tunay na kulang ang ginawang kilos ng LandBank sa pag-alam sa kalagayan ng account ng OMI-JKG dahil maraming tulad na liham ang ginawa ni Mr. C sa ibang pribadong bangko na nabatid ng negatibo ang aksyon ng mga ito, at paninira sa majority owner ng kumpanya. Ang resulta’y mga kaso ang kinaharap ni Mr. C sa mga hukuman. At kaisa-isang account sa banko sa lupa, tila ang kumilos at naapektuhan ang LTO, maging ang maraming nagmamay-ari ng mga bagong sasakyan. Ang masaklap madalas na masita sa lansangan ang mga sasakyan dahil sa kawalan ng tamang plakang nakakabit. Mabigat ang kilos ng bangko sa lupa na nagpapakita ng kawalan ng concern sa usapin ng bayan. O’ sadyang pumasok na ang usapin na sarili muna bago ang bayan.
Ang paglaki ng Landbank tunay na dama ng mga empleyado nito at pumasok sa ulo ang tagumpay sa mga pagsasanib sa kapwa bangko na sila ang lumalabas na matitira. Masidhi ang pagkahumaling ng Landbank sa pagkamal ng mga pagmamay-ari ng bangkong kinain at ibig maging numero unong bangko sa bansa. Sa totoo pa rin, hindi magiging usapin ang kakulangan sa plaka kung kumilos ng tama ang BM ng Landbank sa Ortigas. Sa pangulo ng Landbank, batid na maliit na usapin ang pagkaka freeze ng account ng OMI-JKG sa isang sangay ng banko, subalit usapin na maraming Pinoy ang nababalam sa lansangan dahil sa ‘di karga ang tamang plaka na ‘di mailabas-labas ng LTO dahil ‘di mabayaran ang supplier na OMI-JKG.
Sa ngayon, nagsanga-sanga na ang usapin ng OMI-JKG sa pagpasok ng Office of the Solicitor General na tila silip ang pagpasok na magkaroon ng ayusan ang OMI-JKG at si Mr. C sa labas ng korte sa ‘di batid na dahilan. Maganda ang layon, ngunit may napansin na ibang angulo ang ilang “legal minds” sa ibig ng OSG na magkaroon ng “out of the court settlement”. Tanong may offer ba ang kung sino sa mag-aayos, magkano at sino ang mga ito? Batid ba ng puno ng OSG ?
Sa takbo ng usapin, masasabing humaba ang usapin sa OMI-JKG dahil sa ginawa ng sangay ng Landbank- Ortigas at nagkaroon ng pagkakataon si Mr. C. na paikutin ang sitwasyon gamit ang legal na paraan. At sa huli’y gagamitin ang kilos ng pakikipagsundo sa ngalan ng dating relasyon ng matapos ang usapin sa halagang nais ng isang panig. Walang pagsisino kung sino ang tama o mali ngunit ang hakbang na ginawa ng bangko sa lupa ang nagpahirap sa maraming motorista na laging naabala sa lansangan dahil sa alang plaka o improvise ang gamit sa dahilang ngayon lang nabatid. Pinatigas ng Landbank ang Account ng supplier ng LTO.
Ang pagkamal ng tagumpay ng Landbank sa mga pagbubuklod ang ginawang tuntungan ng BM ng Landbank sa Ortigas na nakaaapekto sa rehistrasyon ng mga sasakyan sa LTO. Siguro’y magbalik tanaw ang mga taong kumikilos sa merging ng DBP at LBP kung sino ang dapat na matira higit sa mga tatao sa mga bangkong pag-aari ng pamahalaan. Hindi man ganun kalaki ang DBP ngunit mukhang mas mahusay ang mga tauhan nito kumpara sa Landbank. Hindi na dapat maulit ang bruhahaha sa LTO dahil sa paglaki ng ulo ng tauhan ng bangko sa lupa. Sa pangulo ng Landbank, silipin ang usaping ito ng ‘di masabing lumaki na rin ang ulo mo.
Maraming Salamat po!!!
The post SA PAGLAKI NG LandBank KASAMA ANG ULO appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: