Nagkaroon na ng FINAL AND EXECUTORY DECISION ang SUPREME COURT (SC)na ang BONIFACIO GLOBAL CITY (BGC) at 10 BARANGAY ay nasa hurisdiksiyon ng TAGUIG CITY ay UMAARYA pa rin sa paghahabol si MAKATI CITY MAYOR ABBY BINAY na ang BGC ay nasasakupan ng kanilang lungsod.
Kaya naman pala ganun ang pagmamatigas ni MAYOR ABBY BINAY na hindi kilalanin ang SC DECISION ay sa dahilang ang BGC at 10 BARANGAY na malilipat sa TAGUIG CITY ay balwarte ng kaniyang asawa na si MAKATI 2nd DISTRICT REP. LUIS JOSE CAMPOS JR.., na ang sakop ng MAKATI CITY 2nd DISTRICT ay 13 BARANGAY kabilang ang CEMBO, COMEMBO, EAST REMBO, GUADALUPE NUEVO, GUADALUPE VIEJO, PEMBO, PINAGKAISAHAN, PITOGO, POST PROPER NORTHSIDE, POST PROPER SOUTHSIDE, RIZAL, SOUTH CEMBO at WEST REMBO.
Ang 10 sa nabanggit na 13 barangay na iniutos ng SUPREME COURT na ilipat sa hurisdiksyon ng TAGUIG ay kasama rito ang CEMBO, COMEMBO, EAST REMBO, PEMBO, PITOGO, POST PROPER NORTHSIDE, POST PROPER SOUTHSIDE, RIZAL, SOUTH CEMBO at WEST REMBO.
Sa 36 pahinang desisyon ng SUPREME COURT sa territorial dispute ay ipinunto na “best interest” ng mga constituents ang syang isinaalang-alang.
“It would thus be an abdication of Our duty if We would not look into all facets of the present dispute in coming up with a judicious adjudication of Makati and Taguig’s conflicting factual claims. We have to resolve, with finality, the territorial dispute that has gripped both cities for decades, bearing in mind the best interest of the constituents of the affected government units” nakasaad sa desisyon ng SC.
Malinaw na hindi interes ng mga BINAY ang kinonsidera ng SC kaya hindi dapat magmatigasan si MAYOR BINAY na huwag sundin ang kautusan.
Ang nakalulungkot ay isinasangkalan ni MAYOR BINAY ang mga benepisyong nakukuha ng mga residente sa MAKATI para tutulan din ng mga residente ang nakatakdang paglipat sa TAGUIG.
Pinalalabas pa ni MAYOR BINAY na hindi pa tapos ang laban sa dispute dahil mayroong itinakdang ORAL ARGUMENT ang SC para sa kaso ng TAGUIG at MAKATI na ang katotohanan ay wala naman.., malinaw nang itinanggi ni SC SPOKESMAN ATTY. BRIAN KEITH HOSAKA na may ganitong ipinalabas na kautusan ang SC.
Isa na namang pagsisinungaling ito sa panig ng mga BINAY.., na ayon sa mga constituent ay huwag nang linlangin ang mga residente ng MAKATI.., at huwag daw gamiting propaganda ang SC.
Kapag ang SC ay naglabas ng final ruling ay…, “it becomes the law of the land”.., at nagiging batas ito na kailangan sundin ng kahit sino. Ang hindi sumunud dito ay maaaring kasuhan ng contempt of court na may karampatang parusa na multa at pagkakakulong.
Ang aksyon ni MAYOR BINAY na paulit ulit sa pagsasabing tuloy ang laban ng MAKATI sa territorial dispute sa kabila na mayroon nang final and executory ruling ang SC ay malinaw na paglabag sa batas.., at dahil sa ginagawa ng alkalde ay maaaaring mawala sa kanya ang support at “public trust” na siyang mahalaga sa isang opisyal ng pamahalaan., na dapat ang lahat ng
public officials ay sumunud sa batas at ginagalang ang desisyon ng judicial system.
Ang 30 taong territorial dispute ng MAKATI at TAGUIG ay tinuldukan na ng SC at itinakda na ang kinukuwestiyong teritoryo.., na ito ay nasa legal na hurisdiskyon ng TAGUIG base na rin sa historical evidence, cadastral survey at contemporaneous acts of lawful authorities o mga pangyayari noong nakaraan.
Inihayag ni SC SPOKESMAN HOSAKA na nagkaroon na ng Entry of Judgement sa Civil case No 63896 kung saan anumang tangka ng MAKATI CITY na buhayin ang territorial dispute sa pamamagitan ng paghahain ng anumang pleadings, letters, motion o anumag komunikasyon kaugnay sa kaso ay hindi na tatanggapin pa ng SC.., yan ang klaro!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.
The post MAKATI CITY NAGHAHABOL PA RING MAANGKIN ANG BGC! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: