Facebook

Kahit host na…Dingdong hinahanap ng katawan ang pag-arte; Ana todo-deny na nakabalikan si Kit

Ni ROMMEL GONZALES

DAHIL naka-season break si Dingdong Dantes sa Family Feud, sakto naman na may Royal Blood siya na eere na sa GMA Telebabad sa June 19.
Aminado si Dingdong na iba ang fulfillment ng hosting ng isang sikat na game show, pero sa kabilang banda, hinahanap niya ang umarte sa harap ng kamera bilang isang aktor.
“Sa Family Feud kasi, para sa akin, isa rin siyang… in a way performance siya, pero I get to become myself, dahil marami akong nakikilala every episode.
“Yung banter ko ay totoo, hindi siya scripted na parang… nai-enjoy ko lang talaga. Pero at the same time, habang naka-pause yun, may kakaibang fulfillment din na maibibigay ang pag-arte.
“May fulfillment din ang hosting, that’s for sure. Pero meron din ito, and I think yung mga ganung hinahanap ng isang artist ay kailangang napupunan parati. And I think this will definitely fill that up,” sinabi ng GMA Primetime King.
By the way, si Dingdong mismo ang nag-suggest sa GMA production team ng ganitong tipo ng teleserye na kakaiba ang takbo ng kuwento; kung sino talaga ang tunay na pumatay sa kanilang ama na si Gustavo Royales na ginagampanan ni Tirso Cruz III.
“Yung konsepto kasi in itself very exciting and para sa akin, I wake up everyday, very excited to go on set dahil alam kong ano, e…
“Kahit kami kasi sa taping hindi alam kung sino talaga yung pumatay, e. So lahat kami, parati kami nanghuhula yan.
“Even us actors, we are always very, very excited to work out this material,” pagbabahagi pa ni Dingdong.
***
DIRETSO, walang preno na itinanggi ni Ana Jalandoni ang kumalat na blind item na nagkabalikan sila ng ex-boyfriend niyang si Kit Thompson.
“Wala pong reveal na nagbalikan. Walang ganun,” bulalas ni Ana.
“Wala pong balikan na naganap. Wala po.”
The end na talaga ang relasyon nila ni Kit, totoong hindi sila nagkabalikan?
“Tapos na tapos na po yan! As in tuldok na yan,” mariing sinabi pa ni Ana na lead female star sa The Revelation na pelikula ng magkapatid na Aljur at Vin Abrenica.
Wala na rin daw anumang komunikasyon sina Ana at Kit.
“Wala!”
Pero kahit friends daw sila ngayon hindi pa rin daw iniurong ni Ana ang reklamo niya laban kay Kit.
“Hindi! Tuloy siya! Oo, tuloy siya, continue siya! Bale kasi alam ko, nag-file siya ng ano, e… tapos, binigyan siya ng judge ng… anong tawag dun? Probation.
“So, na-accept ng judge… kaya I think naman binigyan siya ng pagkakataon.”
Ipapalabas sa mga sinehan ang The Revelation also with Jelai Andres and Mosang, sa direksyon ni Ray An Dulay, sa mga sinehan sa June 21.
Pinansin namin ang ganda ni Ana habang kausap namin, mas maganda siya ngayon at blooming.
“Siguro nga. Siguro nga dahil ano… wala. Pray-pray lang three times a day…
“Blooming? Ano lang… siguro dahil… ayun! Meron akong bagong hobbies. Nagmo-motor ako ngayon.
“So kung wala akong trabaho, either mag-out of town ako, mag-out of country, nagmo-motor ako,” kuwento pa ng seksing aktres.
By the way, may pagka-horror ang The Revelation kaya tiyak na papanoorin ito ng mga mahihilig sa katatakutan.
Produced ito ng House of Prime Films and Hand Held Entertainment Production nina Kate Javier and husband.

The post Kahit host na…Dingdong hinahanap ng katawan ang pag-arte; Ana todo-deny na nakabalikan si Kit appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kahit host na…Dingdong hinahanap ng katawan ang pag-arte; Ana todo-deny na nakabalikan si Kit Kahit host na…Dingdong hinahanap ng katawan ang pag-arte; Ana todo-deny na  nakabalikan si Kit Reviewed by misfitgympal on Hunyo 12, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.