Facebook

Pamilya ng suspek na pumatay sa radio broadcaster sa Oriental Mindoro Pina-konsiderang isailalim sa WWP

Nakahanda ang Presidential Task Force on Media Security o PTFOMS na hilingin sa Department of Justice (DOJ) na ikonsidera ang pagsasailalim sa Witness Protection Program o WPP ng pamilya ng suspek sa pamamaril sa radio blocktimer na si Cresenciano “Cris” Bundoquin.

Ito’y ayon kay PTFOMS Executive Director Usec. Paul Gutierez kung mahihikayat ang natukoy na suspek na si Isabelo Bautista para sumuko at ilahad nito ang lahat ng nalalaman sa krimen para matukoy na kung sino ang mastermind sa krimen.

Si Bautista ay positibong kinilala ng Special Investigation Task Group (SITG) Bundoquin na siyang gunman batay sa sinumpaang pahayag ng dalawang testigo.

May alok namang ?50,000 ang PTFOMS mula sa ayaw magpatukoy na indibidwal, sa sinumang makapagbibigay impormasyon para sa ikaaaresto ni Bautista.

Ayon kay Gutierrez, kapag boluntaryong sumuko si Bautista, otomatikong mapupunta ang reward sa kaniyang pamilya.

Handa rin umanong dagdagan ni Secretary Jesus Crispin Remulla ang reward kapag sumuko si Bautista.

Samantala naniniwala naman ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na malapit nang maresolba ang kaso ng pagpatay kay Cresenciano Aldevino ‘Cris’ Bundoquin, 50, isang broadcaster at radio block timer ng Calapan City, Oriental Mindoro, na pinagbabaril noong Mayo 31, 2023.

Ito ay matapos ilabas ang mga larawan ng kinilalang gunman na si Isabelo Lopez Bautista.

Sa isang pahayag, sinabi ni Usec. Paul Gutierrez, pinasasalamatan ng PTFoMS ang mga kasapi ng media, lalo na sa Oriental Mindoro, at iba pang indibidwal, na nagresponde sa kanilang panawagan para sa tulong at kooperasyon sa paglutas ng nangyaring kaso sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kanilang sariling mga panayam imbestigasyon at pagbibigay ng kanilang natuklasang impormasyon sa PTFoMS.

Noong Biyernes, Hunyo 9, 2023, tuluyan nang isinampa sa Calapan City Regional Trial Court ang kaso laban kay Bautista, matapos ang halos isang linggong evaluation ng prosecutor, kasama si Mrs. Francia Bundoquin, ang biyuda ng biktima, at ang anak nitong si John Mar.

Sinabi ni Mrs. Bundoquin sa PTFoMS, positibong nakilala ni John Mar si Bautista bilang gunman na bumaril sa kanyang ama, batay sa postal ID ng suspek na narekober ng pulisya.

May tatlong “persons of interest” na ang pulisya sa pagpatay sa brodkaster kung saan kabilang dito ang isang police major at lokal na opisyal ng gobyerno sa nasabing probinsya.

Bukod sa police major at LGU official, dapat imbestigahan din ng SITG Bunduquin, NBI at PTFoMS ang anak ng meyor na isa ring gambling operator na madalas umanong kasama ng police major na kasusyo ng isang bigtime na peryante sa Oriental Mindoro para magbigay-liwanag sa pagpatay kay Bundoquin,

Balita rin sa bawat sulok ng Oriental Mindoro na ang sangkot na police major na kasama ng LGU official ay inilipat ng asignment outside Oriental Mindoro. Ibig sabihin hindi nanga naimbestigahan pinalayo pa?

Tutukan natin!

***

Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:00am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.

The post Pamilya ng suspek na pumatay sa radio broadcaster sa Oriental Mindoro, Pina-konsiderang isailalim sa WWP appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pamilya ng suspek na pumatay sa radio broadcaster sa Oriental Mindoro Pina-konsiderang isailalim sa WWP Pamilya ng suspek na pumatay sa radio broadcaster  sa Oriental  Mindoro Pina-konsiderang isailalim sa WWP Reviewed by misfitgympal on Hunyo 15, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.