Facebook

MAINGAY NGUNIT MANGMANG

MAY katwiran na magpaalaala si Frank Drilon sa mga senador na kilalanin ang kagandahang asal sa Senado. Dahil trabaho nila ang magpasa ng batas, minamanmanan sila ng sambayanan sa kanilang inaasal sa loob at labas ng Senado. Ibalik ang dating prestihiyo ng Senado, ani Drilon. Pinayuan niya si Migz Zubiri na kalusin ang pagiging maingay, madaldal, maharot, at magaslaw ng mga senador.

Tama si Drilon, pero teka, teka. Imposible ang hinihingi ni Drilon, Sa institusyon na usong-uso ang kamangmangan, kabobohan, at kagaguhan (at ipinagmamalaki nila iyan), mistulang hiningi ni Drilon na lumakad sa lupa ang mga isda. Maingay ngunit mangmang ang maraming senador. Tingnan natin kung ano ang isasagot ni Robin, Bato, Bong Go, Pandaya, Lito, Francis, JV, at iba pang senador sa payo na hindi hiningi kay Drilon.

Noong bago ideklara ni Ferdinand Marcos and batas militar noong 1972, dalawa ang palpak sa Senado – Genaro Magsaysay at Eddie Ilarde. Noong muling buksan ang Senado noong 1987 pagtapos ng diktadura ni Marcos, dalawa rin ang palpak – Erap Estrada at Vic Ziga. Ngayon, halos lahat palpak. Magmula kay Zubiri hanggang sa dulo, santambak na maingay, magaslaw, madaldal, ngunit walang alam, o sa madaling salita, mangmang at bobo.

***

HINDI makakaila ni Presiding Judge Romeo Buenaventura ng Muntinlupa RTC Branch 256 na batid niya na nagsilbing legal counsel ni Ronnie Dayan ang kanyang kapatid na si Emmanuel Buenaventura. Batid ni Romeo na inamin ng kanyang kapatid sa isang panayam sa telebisyon na si Emmanuel ang naghanda ng affidavit ni Dayan upang idiin si Leila de Lima sa pangatlong sakdal na kasalukuyang dinidinig ni Romeo.

Ang nakakapagtaka ay hindi inamin ni Huwes Romeo Buenaventura na ang Kanyang kapatid na si Emmanuel ang naghanda ng nakakasukang affidavit ni Dayan. Binawi ni Dayan ang affidavit na inihanda ng kapatid ni Romeo at sinabing pinilit lang siya ng namayaang Kin. Reynaldo Umali na lagdaan ang affidavit na ayon sa kanya ay naglalaman ng mga kasinungalingan na paratang kay Leila de Lima.

Hindi maikakaila ni Romeo Buenaventura na may malisya, o masamang pakay, ang pagtanggap at pagdinig niya sa kaso ni Leila de Lima. Hindi patas ang kanyang layunin sa pagdinig. Pakay niya na madiin si Leila de Lima at tuluyang mabulok sa piitan ang bilanggo ng budhi. Hindi batay sa layunin na patas ang pagtanggi niya sa bail petition ni de Lima upang pansamantalang makalaya. Isang bulok na huwes si Romeo Buenaventura.

Marapat lang na hingin ng kampo ni de Lima at iba pang akusado ang panandaliang inhibition ni Romeo Buenaventura sa sakdal. Magbitiw siya at hayaan na ibang huwes ang magpatuloy sa hindi patas na pagdinig. Hayaan na ituwid ng papalit na hukom ang mga pagkakamali ni Buenaventura at ilagay sa tama ang pagdinig.

Pinakamaganda na turuan si Buenaventura ng aral. Hingin sa Korte Suprema o Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang kanyang disbarment o pag-alis sa Roll of Attorneys upang hindi makapaghahasik ng lagim si Buenaventura sa propesyon ng abogasya. Isa siyang malaking kahihiyan o balakid sa katarungan. Maigi na huwag siyang tatayong manananggol ng kahit sino. Maigi na alisin na siyang huwes ng anuman hukuman sa bansa.

***

MAAARING magdesisyon ang Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) sa Hulyo o Agosto, ayon sa isang tagapagsalita ng ICC. Mababatay ang desisyon na hininging apela ng gobyerno ng Filipinas. Humaharap si Rodrigo Duterte at mga kasapakat sa sakdal na crimes against humanity na iniharap ng ilang kritiko na pinangunahan ni Sonny Trillanes at Gary Alejano ng Samahang Magdalo. Batay ang sakdal sa pagpaslang sa aabot sa 30,000 kaugnay sa madugo ngunit nabigong digmaan kontra droga.

Kung magdesisyon ang ICC na tuloy ang sakdal, walang makapipigil para sa ICC Office of the Prosecution na humingi ng arrest warrant upang dakpin si Duterte at mga kasapakat at humarap sa anumang pagdinig (court trial) sa sakdal. Maaaring dalhin siya sa The Hague kung saan nandoon ang headquarters ng ICC upang humarap sa pagdinig. Walang olice power ang ICCC kaya isang katanungan kung anong ahensya ang dadakip kay Duterte at iba pa.

Hindi ang Philippine National Police (PNP) na hindi madakip-dakip si Gerald Bantag at iba pang wanted. Hindi ang PNP na magaling lang pumuksa ng mga mahihina na walang lakas. Iyan ang malaking tanong, ngunit hindi malayo na may ibang ahensya o puwersa ang dumakip kay Duterte, Bato at iba pa. Hindi kami magtataka kung sa dakong huli, tumakbo si Duterte at mga kasapakat sa China. Kakampi nila ang China at walang nakakapagtaka doon.

***

ISINULAT ko ang sumusunod noong 2016 ng manalo at nakatakdang umupo si Leni Robredo bilang Pangalawang Pangulo ni Rodrigo Duterte. Indi namin alam kung kaya ni Sara Duterte ang maging konsensya ng bansa. Paano siyang magiging budhi ng ansa kung alam niya ay red tagging lang? Magaling lang siyang mag bintang sa kapwa. Pakibasa:

CONSCIENCE OF THE NATION.

Incoming Vice President Leni Robredo may not have envisioned it. But at the rate the incoming president is treating her, she, through her own efforts, will soon find her niche in the country’s political system. Whether she likes it or not, the incoming Vice President will emerge as the conscience of the Filipino nation.

Since she does not belong in any conceivable capacity to the incoming administration, the Vice President will have all the time in the world to speak out her mind on many pressing issues and matters confronting the country. It is expected that she will get invitations from every nook and cranny of the country to speak and clarify issues.

Gone were the days when the Vice President was a mere spare tire, who was almost invisible to the people and whose job was to ask every morning if the incumbent president was well and alive. Now, we will have a working vice president, whose job will be to provide intellectual, moral, political, and social leadership for our people.

The Vice President does not have to ask for a job from the incoming president. On her own, she can carve her identity and establish her relevance to the people, who have elected her to the second highest political office and whom she will swear on June 30 to serve to the best of her ability. In brief, she is not just a political leader, but the country’s conscience as well.

***

MGA PILING SALITA: “All you Filipinos raising that fist bump, think of how your children and other descendants will feel when they see photos showing you with that raised fist. Will they be proud or ashamed? Remember Hitler!” – Federico Pascual, journalist, netizen

“Remember to breathe. It is, after all, the secret of life.” – Gregory Maguire, “A Lion Among Men”

The post MAINGAY NGUNIT MANGMANG appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAINGAY NGUNIT MANGMANG MAINGAY NGUNIT MANGMANG Reviewed by misfitgympal on Hunyo 15, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.