Facebook

PNP BLANKO PA RIN SA MOTIBO NG PAGPATAY SA BROADCASTER SA ORIENTAL MINDORO

Hanggang ngayon blangko parin at hindi pa masabi sa ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang tunay na motibo sa pamamaslang sa broadcaster na si Cresenciano “Cris” Aldovino Bunduquin.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., masyado pang maaga para sabihing work-related ang motibo sa krimen.

Pero giit ni Acorda, lahat ng anggulo ay kanilang titignan upang matukoy ang tunay na dahilan sa pagpatay sa broadcaster.

Una nang bumuo ang PNP ng isang special investigation task group na siyang tututok sa imbestigasyon hinggil sa nangyaring pananambang kay Bunduquin.

Ani Acorda, inatasan na niya ang Police Regional Office 4-B at Calapan City Police Station na madaliin ang imbestigasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng krimen.

Tiniyak din nitong maigagawad ang hustisya sa pagkamatay ng bitkima.

Base sa inisyal na imbestigasyon, inabangan ng mga suspek na naka motorsiklo ang biktima sa pagbubukas nito ng tindahan at saka walang habas na pinagbabaril.

Samantala sinabi naman ni Police Capt. Ann Michelle Ann Selda, information officer ng Oriental Mindoro PNP, na bumuo na sila ng Special Investigation Task Group (SITG) upang magsagawa ng masusing imbestigasyon sa pagpatay kay Bunduquin.

Ayon kay Selda, na tagapagsalita ng “SITG Bunduquin”, binubuo ang Task Group ng Provincial Police Office na pinamumunuan ni Col. Samuel Delorino, Oriental Mindoro police director; Criminal Investigation and Detection 4B-Oriental Mindoro, Calapan Police, at High Patrol Group 4B-Oriental Mindoro.

May dalawa na umanong indibidwal na itinuturing na mga person of interest.

Sinabi ni Selda na tinitingnan ng task force ang lahat ng anggulo at motibo sa krimen, kasama na ang personal na buhay at trabaho ng biktima bilang online radio reporter at commentator.

Patuloy umano ang paghahanap ng mga ebidensya ng mga awtoridad, kasama na ang mga video footage mula sa mga CCTV camera sa mga exit at entrance ng ruta ng mga riding-in-tandem suspects.

Matatandaang naglabas na rin ng P50,000 pabuya ang Presidential Task Force on Media Security na pinamumunuan ni Usec Paul M. Gutirriez sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga taong sangkot sa pagpatay sa broadcaster na si Bunduquin.

Kaya dapat tingnan ng SITG Bunduquin ang impormasyong pinarating sa BALYADOR ng isang indibidwal na ayaw magpabanggit ng kanyang pangalan bilang proteksyon na rin umano sa kanya ang diumanoy suspek na tumakas at suspek na napatay ng anak ni Bunduquin ay mga gambling operator sa Oriental Mindoro na sinasabing nasagasaan ang kanilang negosyong iligal na sugal ng biktima.

Sinabi rin ng source na imbestigahan ng SITG Bunduquin ang isa umanong mediamen na nagtatrabaho diumano sa City Hall na inutusan na kausapin ang broadcaster na si Cris Bunduquin na itigil na ang pagtuligsa sa illegal gambling sa Calapan City, ilang lingo bago itumba si Bunduquin?

Subaybayan natin!

***

Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:00am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.

The post PNP BLANKO PA RIN SA MOTIBO NG PAGPATAY SA BROADCASTER SA ORIENTAL MINDORO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PNP BLANKO PA RIN SA MOTIBO NG PAGPATAY SA BROADCASTER SA ORIENTAL MINDORO PNP BLANKO PA RIN SA MOTIBO NG PAGPATAY SA BROADCASTER SA ORIENTAL MINDORO Reviewed by misfitgympal on Hunyo 03, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.