Facebook

MGA ANTI-NUCLEAR POWER PLANT… SHIT!

Kung malalaman lamang ng buong mamamayan na malaking katulungan at kaalwanan ang maidudulot ng NUCLEAR POWER PLANT tulad sa pagkakatengga ng BATAAN NUCLEAR POWER PLANT ( BNPP) simula noong taong 1986 ay mapapamura ang lahat sa ginagawang panlilinlang ng mga ANTI-NUCLEAR POWER PLANT sa ating bansa.

Nitong nakaraang Sabado ay may mga MEDIA na kabilang ang inyong lingkod sa naimbitahan para makita ang aktuwal na kalagayan ng BNPP.., presto nasaksihan namin na “INTACT” at namantini ang lahat ng kagamitan.., taliwas sa mga ipinakakalat na kesyo nakahoy na ang iba’t ibang kagamitan ng naturang planta.

Ipinunto ni CONGRESSMAN MARK O. COJUANGCO na ang BNPP ay napapanahon nang magamit at mapakinabangan para umalwan naman ang mamamayan sa taas ng bayarin sa kuryente.., gayunman ay nasa pagpapasya umano ito ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR para sa isyu ng BNPP.

Sa pangunguna ni CONG.MARK COJUANGCO at ng mga bumubuo ng ALPAS PINAS na isang non-stock at NON- profit organization na nagsusulong sa kahalagahan ng NUCLEAR POWER PLANT ay inilibot ang mga MEDIA PERSONALITY sa loob ng planta. Nasaksihan ng lahat na namantini ang lahat ng mga kagamitan o aparato na taliwas sa pagkaalam ng marami na “nakahoy” na raw ang mga kagamitan sa planta.

Nilinaw din ng naturang CONGRESSMAN na walang dapat ipangamba sa NUCLEAR POWER PLANT dahil mababa lamang ang radiation rate at hindi ikamamatay ng tao.., na aniya, anumang oras na iatas ni PBBM na gamitin ang planta ay agad na magagamit ito, kung saan ang pagkakagawa ng planta ay pawang makakapal na semento at mga bakal na aniya ay hindi kayang magiba ng mga paglindol.

?a punto ng ALPAS PINAS.., ang NUCLEAR ENERGY ay isang CLEAN ENERGY SOURCE at napapanahon na umanong buhayin o gamitin ang planta dahil ito ay makatutulong para makamit ang clean and reliable energy, bukod diyan ay mura na lang ang magiging presyo sa electric billing sa lahat ng mga consumer.

Mga ka-ARYA.., dapat lamang na mag-operate na ang BNPP dahil natengga ito simula noong taong 1986 sa manipulasyon ng mga maiimpluwensiyang negosyante na coal ang ginagamit para makalikha ng kuryente gayundin ang gas fuel..,siyempre pa, ang mga ito ang unang tututol sa pagbubukas ng BNPP.. kasi maaapektuhan o babagsak ang negosyo ng mga ito na milyong dolyares ang ginagastos para sa pag-angkat ng COAL mula sa ibang mga bansa.., na resulta ay ipinapapasan sa consumer ang mataas na bayarin para sa service power.

Sabi nga ni CONG. COJUANGCO.., ang mga ANTI-NUCLEAR ay pansariling interes lamang nila ang iniintindi at walang mga malasakit sa mga naghihirap nating mamayan dahil sa taas ng ELECTRIC BILL.

“Kung ako lang ay kaya ko ang mga bayarin dahil may kakayanan naman ako.., e paano ang.mahihirap nating mamamayan na sa halip na ang kanilang sinusuweldo ay pambili ng pagkain e sa pambayad ng kuryente napupunta.., sus naman, maawa naman po sila sa mga mahihirap nating mamamayan na kung mag-ooperate lamang ang BNPP ay naaalwanan sa gastusin ang mahihirap nating mamamayan kasi murang-mura na lamang po ang magiging bayarin sa kuryente at Hanggang sa kaapu-apuhan natin ay makikinabang sa nuclear power,” pahayag ni CONG. COJUANGCO.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.

The post MGA ANTI-NUCLEAR POWER PLANT… SHIT! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MGA ANTI-NUCLEAR POWER PLANT… SHIT! MGA ANTI-NUCLEAR POWER PLANT… SHIT! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 03, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.