Facebook

SHABUYAS AT SI BEBOT NOLAN

Nakakabingi ang pinakahuling pasabog sa social media ni suspended Congressman Arnie Teves.

Patungkol ito sa SHABUYAS kuno na pinararating ng grupo ng isang BEBOT NOLAN na personal umanong kaibigan ng first couple,meaning ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Louise ” Liza” Araneta Marcos.

Ito ang bahagi ng pasaring ni Cong.Teves sa kanyang latest vlog na pinagpipiyestahan ng milyun- milyong FB users na nakapanood nito.

Ano nga ba raw ang relasyon at transaksyon ng First Couple dito kay BEBOT NOLAN na according to some sources ay umano’y Isang certified pulbos user.

(Coke or cocaine user)?

Sabi nga,birds of the same feather,flock together.

It was too much nga naman na sabihin ng direktahan na magka- jamming sa paggamit ng cocaine itong si Nolan at PBBM?

Remember,

pinakamataas na opisyal ng ating gobyerno ang inaakusahang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Pero hindi ito ang unang pagkakataon na nasabit ang pangalan ni PBBM sa paggamit ng illegal drugs.

During the campaign period noong 2022 presidential elections, mismong si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nagpasaring sa noo’y presidential candidate na si Bongbong Marcos na gumagamit ng cocaine.

After na manalo nga bilang presidente ng bansa si PBBM,pansamantalang nawala ang higing ukol sa isyung ito.

Pero ngayon ngang nabanggit na muli ito ni Cong.Teves, marami ang nahintakutan!

Marami sa mga nagreact ay bahagi ng tinaguriang Uniteam na sumoporta ng malaki sa tambalanang BBM- Sara Duterte.

Marami rin ang nagsasabi na kung paulit- ulit na lumalabas ang naturang isyu laban sa Presidente, marapat lamang na magpaliwanag ito sa taongbayan at wag basta na lamang manahimik.

Ang paglala ng problema sa droga at ang tila pagdami sa supply ng ipinagbabawal na gamot sa merkado is another serious concern.

At kung ang terminong ginamit ni Cong.Teves ay SHABUYAS,di kaya ito ang pangunahing katarantaduhang umiiral sa ating bansa sa ngayon.

Ang harapan at lantarang pagpapasok sa ating mga puerto at pantalan ng mga smuggled sibuyas na sinasamahan o hinahaluan ng kilo- kilong shabu at cocaine?

Serious accusation ito laban sa gobyernong Marcos.

Isang impeachable offence dahil isang criminal act ang paggamit ng illegal drugs lalo na ng mga elected officials.

Kung saan patutungo ang mga naglabasang baho na ito na pinasabog ni Cong.Teves ay hindi natin mawari.

Magkalakas kaya ng loob ang both houses ng Congress na imbestigahan ito lalo na ngayong may pangalang binabanggit si Teves?

Magawa nga ba ng Kongreso na pinamumunuan ni Speaker Martin Romualdez na pinsan ni PBBM na imbestigahan ang nasabing kontrobersiyal na isyu?

Nagtatanong lamang po tayo?

At ngayon ngang napagkalooban na ng ideya ang taongbayan patungkol sa SHABUYAS, maging interesado pa rin kaya ang bawat Pilipino na alamin ang buong katotohanan patungkol dito.

Mananatili nga bang pipi at bingi ang Legislative at Judiciary branches ng pamahalaan sa seryosong akusasyong ito laban sa mismong Pangulo?

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post SHABUYAS AT SI BEBOT NOLAN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SHABUYAS AT SI BEBOT NOLAN SHABUYAS AT SI BEBOT NOLAN Reviewed by misfitgympal on Hunyo 28, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.